TEN MONTHS LATER, month of December>>>
Happy ending?
Niloloko ko lang ata ang sarili ko. Wala naman talagang ganun.
Yung puso ko, punung-puno ng sakit at kalungkutan. Kahit ilang oras ata akong umiyak dito, hindi pa rin mawawala yung sakit.
Akala ko ba di niya ko iiwan? Akala ko ba mahal niya ko?
Pero… ako naman may gusto neto, di ba? Ako naman yung bumitaw.
Kaso, bakit hindi man lang niya ko pinigilan? Bakit hinayaan lang niya kong mawala? Bakit hindi man lang niya ko pinaglaban?
Ginawa ko ang lahat. Inintindi ko siya, inintay at inunawa. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maging mabuting girlfriend sa kanya… Pero bakit ganun?
Parang kulang pa rin.
Parang kahit anong gawin ko, di pa rin sapat.
Bakit ganun? Paulit-ulit na bakit.
Napaupo na lang ako sa gitna ng soccer field at hinayaan ang pagdaloy ng luha.
Durog na durog na yung puso ko. Ayoko na.
Hanggang dito na lang ba tayo, Alex?
***Before the words above are said***
December na naman pala.
Kung tutuusin halos higit isang taon pa lang mula nung nakikilala ko siya.
Kaya siguro naging ganto kagulo. Kaya siguro di matapos-tapos yung tampuhan at away namin.
Masyado ba kong nagmadali?
Higit isang taon pa lang pero kayrami ng nangyari saming dalawa. Mga pangyayaring tunay na masaya nung una, pero ngayon, puro lungkot at sakit na lang ata.
Mas dumadalang na yung mga texts ni Alex ngayon. Halos magdadalawang buwan na rin mula nung huli naming pagkikita, na ako pa mismo ang gumawa ng paraan.
Ngayon, sobrang bilang na lang yung message at tawag niya. Ni hindi ko na nga maramdamang girlfriend pa niya ko. Kung bakit? Kung anong dahilan niya?
Hindi ko alam.
Kailanman, hindi siya nag-open sakin. Yung parang unti-unti na lang siyang lumayo. At sa ginagawa niyang yun, parang unti-unti na rin niya kong… pinapatay.
Nung mga unang linggo na hindi siya nadadalaw sakin, ako pa mismo pumupunta sa kanya. Ako rin nag-iinitiate ng mga pag-uusap at pagtawag sa telepono.
Pero, nakakapagod din pala.
Nakakapagod pag alam mong wala namang pinatutunguhan yung efforts mo. Nakakapagod pag alam mong hindi ka naman na ata pinahahalagahan. Nakakapagod pag parang pinipilit mo na lang yung sarili mo sa kanya. Nakakapagod magmukhang tanga.
Nakakapagod kapag parang ikaw na lang yung lumalaban.
Sa loob ng mga araw na lumilipas, pinipilit kong magpakatatag. Sinusubukan kong maging isang babaeng matatag at matapang dahil sabi niya gusto niyang maging ganun ako.
Sobrang nasasaktan at naguguluhan man ako sa sitwasyon namin ngayon, pilit akong nagpapakatatag para sa pagmamahal ko sa kanya.
Siguro naman, babalik din siya.
Sana.
Sana talaga.
May mga bagay na ayaw mo ng ituloy pero takot kang wakasan. Yun bang ayaw mo ng umasa pero gusto mo pa din maghintay. Kaya maghihintay lang ako.