Chapter Thirty-six

38 0 0
                                    

Nangyayari ba talaga ang lahat ng to?

Kahit kelan kasi hindi ko na-imagine na magkakaganito kami ni Faye.

Oo… marami kaming pagkakaiba. We're total opposites pero nagawa naman naming magsama sa iisang bahay sa loob ng ilang taon.

So, tell me, bakit nangyayari ang lahat ng 'to?

I tried to compose myself. I won't cry.

I… won't… cry.

Kahit na nararamdaman ko pa rin yung kirot sa pisngi ko dahil sa malakas niyang pagsampal…

Kahit na wala akong maintindihan sa nangyayari at ang bigat-bigat sa pakiramdam na napakasama ng tingin sakin ni Faye ngayon…

Dahil alam ko… wala akong ginawang mali.

"Faye, nabuksan mo na ba yung flashdrive na binigay ko sayo?" I gathered all my strength to ask her.

"What the hell are you saying? Don't try to distract me, Marasigan. My goodness!" She held her temples, like the way she always do whenever I piss her off.

"May pinag-uusapan tayo rito, Sam. Tell me what are those pictures!?"

Namumula na siya sa galit at nangingilid pa rin ang luha sa kanyang mga mata.

Bakit ka nagkakaganyan, Faye?

"And don't tell me na photoshop lang yan or something cause it's all true at nasa halos lahat na ng online news website." -Faye

Ano daw? Totoo ba yun?

Yumuko ako para pulutin ang isa sa mga litratong nagkalat na sa damuhang kinatatayuan namin.

Nakita kong may caption ngang nakalagay.

[Girlfriend of sports superstar Alex Romero, caught making out with another guy]

WOW. Aatakihin ata ako sa puso.

What an exaggerated title! Wala talaga akong masabi sa media.

Mukhang magiging magulo ang mga darating na araw para sakin.

Brace yourself, Sam.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo. Kaya pala ganun mo na lang ipagtanggol si Josh. Kaya pala sa kanya ka kumakampi. Kasi may gusto ka talaga sa kanya. At the end of the day, sating dalawa, ikaw ang tunay na malandi!"

Sa pagkakataong iyon, ako na ang sumampal sa kanya ng malakas.

Natulala siya at natahimik.

Mabuti naman. Ginawa ko talaga yon para matahimik siya.

Saka para siguro maalog yung utak niya. =_______=

Jusme naman kase. San ba niya nakuha yung mga pinagsasasabi niya ngayon?

Why make things complicated when they are not complicated at all?

And so, I began.

"Akala ko pa naman matalino ka. You're always way better than me. That I'm Ms. Weak and Crybaby while you're the Ms. Perfect. Pero sa sitwasyon natin ngayon, narealize kong hindi pala. Mali pala ako."

Nagsalubong ang kilay niya. She's listening.

That's good enough.

I continued.

"So, naniniwala ka talagang may relasyon kami ni Josh dahil lang sa mga pictures na yan? Ang babaw naman nun Faye! Ilang taon mo kong nakasama, sa lahat ng tao, ikaw dapat yung pinaka nakakakilala sakin. But what now? Naniwala ka sa isang kasinungalingan just bacause of these damn pictures!"

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon