Chapter Twenty-two

53 0 0
                                    

Makalipas ang ilang araw>>

Nakahiga pa rin ako sa kama nung pumasok si Faye sa kwarto ko. Ayoko pang bumangon. =______=

"Hey. Get up, Marasigan. Don't waste another day crying over spilled milk. Broken hearted ka lang, wala kang cancer. Wag mong sobrahan ang drama." -Faye

Inaasar ba ko neto? Tss.

Inabutan niya ko ng susi at GC (gift check).

"Para san to?" I asked her.

"Have some make-over. Di ba ganun yung ginagawa ng mga brokenhearted? I'm not sure about it cause I never had my heart broken." 

Tss. Eh di ikaw na maganda. =_____=

"The key's for my room. Borrow anything you'd like. Saka na kita sasamahang mag-shopping pag nakuha ko na yung paycheck ko. Take care, crybaby." -Faye

Haynako. Ayoko ngang lumabas ng apartment eh.

She was about to leave and close the door when she added a few words…

"Hanggang first love mo na lang siya, Marasigan. And I'm telling you, hindi totoo na 'First love never dies.' Unti- unti mo ring mapapatunayan." -Faye

Si Alex... Hanggang first love na lang? He won't be my last love? At unti-unti ko rin 'yong mapapatunayan?

Sana nga tama si Faye.

* * * 

I had my hair cut short (shoulder length) and added a little curl at the tips. Nagpa-side bangs din ako at nagpakulay ng light brown.

My hair have always been long and black. Seeing my reflection now, feeling ko I'm no longer the Sam that I've known.

Humiram din ako ng clothes at accessories kay Faye. I chose the ones that was far from my usual wear. I matched an above the knee skirt and floral corset top with a four-inched high heel.

Anak ng minions. Baka pagbaba ko pa lang ng hagdan ng apartment building matapilok na ko at mamatay. Tragedy na talaga yon. Pinili ko na lang yung wedge. Mas safe ako sa wedge.

Honestly, nageenjoy ako sa ginagawa ko ngayon. What I'm doing now is really… fun. Gumaan yung pakiramdam ko kahit papano. Kaya pala ginagawa to ng mga naha-heartbroken. Now I understand.

Haynako, Sam. Dapat talaga ma-heartbroken muna bago marealize na masayang mag-dress up?

Nag-apply ako ng medyo makapal na make-up. Kumuha rin ako ng sunglasses. Malayo-layo ang pupuntahan ko ngayon. I need my disguise to be effective.

Yes. Pagdi-disguise tong ginagawa ko. Di to pagpapaganda para mag-revenge o makuha ulit yung ex tulad nung mga nasa TV. I don't see myself doing that. =_________=

Pumara na ko ng taxi.

"Sa Sta. Mesa po," I told the taxi driver.

Gusto kong malaman kung tama yung sinasabi ni Faye. Gusto kong mapatunayan na hanggang first love ko lang si Alex. And maybe, just maybe, in that way... tuluyan ko na siyang mai-let go.

Romero's Pastry Shop**

Inayos ko yung sunglasses kong suot.

Jusme. Bakit ba ko kinakabahan na makita at makilala niya ko eh anlayo na nga ng itsura ko sa dati? Pero posible pa rin naman yun kasi di naman ako nagpa-plastic surgery. Anak ng minions naman oh. Bahala na nga.

As I entered the shop, naamoy ko kaagad yung mga bagong baked na pastries.

Nostalgic.

Ngayon lang ulit ako napunta dito. Ngayon lang ulit ako kakain nung paborito kong cookies nila. Na hindi ko na natikmang muli magmula nung heartbreaking na paglisan sakin ni Alex sa gitna ng soccer field.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon