A/N:
This chapter is: Short. Bitter. Sweet.
Kung trip mo ng mas madramang effect, paki-download yung "Wherever You Are" ng 5 Seconds of Summer at ipatugtog sa part na kelangan nung background song na to.
You won't regret listening to it. ;)
< * * * >
Akala ko naman pagdating ng Azkals sa Spain makikipag-compete na sila agad.
Nabasa ko sa online news na kelangan ng ganung preparation training para masanay sa altitude at climate nung lugar. Para di raw maging sagabal sa play yung outer factors…
Blah… Blah… Blah.
Wala akong maintindihan. Malay ko ba sa sports. =______=
Basta ang alam ko lang, ang ibig sabihin ng lahat ay apat na buwang mawawala si Alex.
Dalawang buwan na nga kaming nagkahiwalay, madadagdagan pa ng panibagong apat? That's almost equal to half a year!
I can't imagine my coming days without him. T______T
I took out my phone and called Marie.
Phone call:
"Marie, magkano ang ticket papuntang Spain?"
"Woah. What's with that tone? And direct to the point talaga? Well,honestly, I don't have an idea, Sam. But don't worry. I'll check it for you. Pati na rin yung details tungkol sa visa."
"Thank you, Marie."
"I'll call you once I've known everything."
I ended the call.
Buntong hininga.
Wait lang. San naman ako kukuha ng pera para makabili ng plane ticket? Tapos ni wala pa kong passport.
Haynako, Sam. Sa tingin mo ba posibleng masundan mo si Alex sa Spain?
Saka, isipin mo, anong gagawin mo pag punta mo dun? Hindi ka naman maaaring mag-stay dun for four months. Pano ka mabubuhay dun?
Mapupuntahan mo man si Alex, di ka rin maaaring magtagal.
Tapos, di ka rin niya mabibigyan ng oras dahil syempre, naka-focus siya ngayon sa darating na FIFA World Cup.
Pangarap niya yun.
Ibubuhos niya ang lahat dun.
What now? Pupuntahan ko pa ba siya?
Pero kung hindi, pano naman tong nakakabaliw na pakiramdam na to? Pano naman tong pangungulilang to? Pano naman tong kalungkutan na nararamdaman ko?
I need him. I miss him. :(
My phone rang once again. When I looked at the screen, I saw
Anna's name.
Phone call:
"Hello? Anna, wala pa ko sa bahay."
Baka kasi napatawag siya para tanungin kung nakarating na ko.
"Ate Sam, may nakalimutan akong sabihin sayo kanina. Pinabibilin nga pala ni Kuya Alex na i-check mo raw yung e-mail mo. May sinend ata siyang something for you. That's a relief for me. I thought hanggang makalumang love letter na lang si Kuya," she laughed.
"Uhm, thank you, Anna."
"No problem, Ate. Okay. Ingat ka sa byahe."
Ibababa na sana niya yung tawag nung bigla akong nagsalita.