Alex is a man of surprises.
I know that these surprises are his way of making me happy and showing his love for me.
In his own, Romero, way.
PERO…
Yung sinasabi niya ngayon ay isang surprise na HINDI KO MAINTINDIHAN!!!
"We had this press conference not to clarify my issues with Nikki, but… to announce our coming wedding."
Anong "our coming wedding"? San niya nakuha yuuun? <O_______O>
WALA NAMAN KAMING NAPAG-USAPANG GANUN AH!
At dahil sa kabigla-bigla at lakas makalaglag pangang statement ni Alex…
Di na napigilan ng press people na dumugin kami at paulanan ng sunod-sunod na tanong.
"Biglaan naman ata ang desisyong to? Pano na ang nalalapit na FIFA World Cup na sasalihan niyo Mr. Romero?"
"Magpapakasal ba kayo dahil buntis na si Ms. Marasigan?"
"Pano naman yung tungkol dun sa litrato na nakuhanan si Ms. Marasigan na may kahalikang ibang lalake? Hindi ba kayo maglalabas ng statement tungkol dun?"
Halos di na sila macontrol ng organizers. Di ko rin malaman kung kelan sila magsasawa sa kakakuha ng litrato.
NAPAKAGULO NG LAHAT. Naguguluhan ako sa biglaang anunsyo ni Alex. Naguguluhan ako sa sunud-sunod na tanong ng mga press.
Gusto ko na lang maiyak. Ayoko na dito. I wish the ground would just swallow me.
Hingang malalim.
I stood up and smiled at the people inside the room. Naisip kong sayang naman yung effort kong magpaganda kung magbbreakdown-and-cry na lang ako, dahil inis at confusion, sa harapan nilang lahat.
Pagkatapos ay hinatak ko si Alex palabas ng silid. Malayo sa kanilang lahat.
Hindi ko alam kung pano ko siya nagawang hatakin maski na mas malakas siya sakin.
Pumasok ako sa isa sa mga dressing room at kinandado yun.
I faced him. I cannot read what's on his mind. Nakakainis!
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"ALEX! ANO NA NAMAN BA TO?"
He was taken aback by my sudden outburst.
"Of all your surprises, itong isang to, hindi nakakatuwa."
Nanginginig ang mga kamay ko. I wiped the tears on my cheeks.
"What wedding? Wala naman tayong napag-usapang ganun ah!? Don't tell me that this is just a joke dahil buong Pilipinas ang nakatutok sa press conference na yun! You can't just easily take back those words and tell all the people that what you said is nothing serious."
"But I'm serious, Samantha," he interrupted me.
He looked at me in the eyes.
"I really wanted to marry you."
I was dumbfounded.
I was spechless.
I was…
Hingang malalim.
"Alex naman…"
Nakakainis. Bakit ba nangyayari to? Ano bang biglang sumapi kay Alex at naisip niya ang bagay na yun?
Ansakit sa ulo. =______=
"…alam kong alam mo na malabo akong pumayag sa idea mo yang yan. Marami pa kong priorities and all. A bright future is waiting for me. Maguumpisa pa lang ako sa pagtupad sa pangarap kong maging guro. I'm not yet ready for that. Ni hindi ko pa naiisip yon."