Si Alex ba talaga yun?
Sana nabingi lang ako. O kaya ibang "Samantha" pala yung tinatawag. Kasi sobrang di ko pa siya kayang harapin ngayon.
Dahil sa mga sinabi niya sakin nung huli naming pagkikita... at dahil sa mga nalaman ko mula kay Lulu.
Di ko pa talaga kaya. Please, not this time. Hingang malalim, Sam. At dahan-dahan kang lumingon...
Pero, imbes na lumingon, mabilis akong tumakbo palayo. Bahala na. Si Alex man yun o hindi, mas mabuti ng sigurado.
*takbo takbo takbo*
Don't wanna see him. Don't wanna see him. Don't wanna see him. Don't wanna see him. Don't wanna see him.
Takbo lang, Sam! I know. Kanina pa ko mukhang timang dito kakatakbo. Naka-dress at heels pa man din ako. But, the hell I care.
Jusme. Ikaw kaya sa sitwasyon ko? Kakayanin mo pa bang makipagkita kay Alex matapos mong marinig yung confession ng bestfriend niya?
Buntong hininga. Feeling ko tuloy ngayon… ako talaga ang may kasalanan. Feeling ko ang sama ko sa kanya. Feeling ko padalos-dalos ako. Feeling ko sinaktan ko rin siya tulad ng pananakit niya sakin.
Seeing the bigger picture made me realize that it's not him to blame alone. I also contributed something to our break-up.
Now, I feel guilty. I still don't have the courage to face him. Not this time... really not this time.
* * *
After ng fifteen minutes kong pagkukulong sa cubicle, lumabas na ko. Siguro naman wala na siya.
Pero kinakabahan ako. Kyaaah. Baka maulit yung last time. Remember? Nung last time, nagtago rin ako sa CR tapos paglabas ko inaantay niya pala ako. Pano kung ganun nga ulit? Wala na kong kawala. Huhuness.
Hala ka, Sam. What to do??
Haaaay. Bahala na nga. Tatakbo na lang ulit ako! Nakakailang hakbang pa lang ako nang may mabangga na naman ako. Tss. Sabi ko nga di naman kasi dapat tumatakbo sa mall. =_____=
Isang batang lalaki naman ang nabangga ko. Mga nasa 10 years old na siguro.
"Sorry," sabi ko na lang tapos tinulungan kong tumayo yung batang lalaki.
Baka mapagalitan pa ko ng magulang neto. I can't handle another trouble.
Di pa rin ako nalinga sa paligid ko at nakayuko pa rin ako as much as possible.
"Teacher Sam?"
Napaangat ako ng tingin at pagkita ko...
"Louie?" Ang isa sa aking mga unang estudyante! Nakakahinga ako ng maluwag nung siya yung nabangga ko. Biruin mo yun. Kundi dahil sa kaweirduhan ko, di kami magkikita ngayon dito.
"Antagal na nating di nagkita! Anlaki mo na. Halos di na kita nakilala." Mas tumangkad na kasi siya at medyo nagkalaman.
"Talaga Teacher? Nakapagtayo na po kasi ng maliit na tindahan si Nanay kaya di na po ako nasasagad sa trabaho." -Louie
"Woah. That's good news! Tara. Let's grab something to drink... Err. Nahahawa na ko sa ka-English-an ng mga tao."
Haynako. Blame rich-kid Josh.
"Okay lang po, Teacher Sam. Nakakaintindi na po ako ng English ngayon," pagmamalaki niyang sagot sakin.
Aba. Bilib na ko sa batang to. Mukhang marami siyang dapat ikwento sakin! *O*
Hinatak ko siya papasok sa favorite kong milk tea shop para dun kami magkwentuhan. Saka, nauhaw rin ako sa pagkanta at pagtakbo ko kanina.
Pinahawak ko muna yung hand bag ko sa kanya at umorder. After kong makuha yung drinks namin, umupo na ko sa katapat niyang seat.
