Every weekend nagbibigay kami ng free lessons sa mga street children dito sa QC.
Pagbabasa, pagsusulat, saka basic math. Minsan may story-telling rin. Mga ganung simple and basic lessons lang.
Sila rin yung tinuruan namin nung nag-NSTP kami dati. Eh dahil na-enjoy namin (ng tropa), ginagawa na namin siya every week.
Eto yung lakad na pinaalala sakin ni Lulu nung tinawagan niya ko gamit ang phone ni Alex. =______=
Kahit busy sa pagiging college student, nasisingit pa rin namin tong activity na to.
Masaya kasi nakakapagturo na kami maski di pa kami teachers. Masaya kasi nakakatulong kami sa mga bata and we inspire them to go to school.
♥ :)
Tapos na yung pagtuturo namin today. Nakakapagod dahil mas dumadami na yung mga batang tinuturuan namin ngayon. Pero kapag nakikita mo na yung ngiti ng mga bata, nawawala na lahat ng pagod.
"Mga bata sa susunod na linggo ulit ah?" -Nina
"Yung mga humiram ng libro, ingatan at huwag iwawala, ha?" -Marie
"Opo, mga Ate!" sabay-sabay na sagot ng mga bata.
Kami naman nina Victoria at Lulu nagliligpit na ng whiteboard, mga libro, at visual aids na ginamit namin.
Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Baka si Faye to at hinahanap ako.
But, I'm wrong. Ibang pangalan yung nasa screen ng phone ko.
Kay Alex.
"Ms. Cutie! May free time ka ba? Daan ka naman sa practice game ko later. Kung okay lang. :)" -text msg from Alex
Di ko pa nga boyfriend, demanding na agad? Tss. Wala! Busy ako! Binura ko na yung text.
"Sino yun? Bat lamukos yang mukha mo?" -Lulu
"Ah. Wala. Di ko kilala. Naghahanap ng textmate. Nakakairita yung mga ganun." -Sam
Alangan namang sabihin ko na naiirita ako sa bestfriend niya. Kahit close kami siyempre kakampihan ni Lulu bestfriend niya.
Nagkakatext kami lately ni Alex pero there's nothing going on. Tinuturing ko na siyang kaibigan ngayon. Kinalimutan ko na rin yung epic proposal niya sakin na maging girlfriend niya.
Nakakairita lang minsan yung mga pangungulit niya. Yung totoo? Patay na patay ba siya sakin? Kaya ayun, medyo nakaka turn-off. =______=
"Haynako, girl. Tama ka dyan. Asar much nga yung mga ganung nagte-text," pagsang-ayon sakin ni Victoria.
Ngumiti na lang ako at iniwan sila ni Lulu. Ang awkward eh. Ihahatid ko na lang muna siguro yung ibang bata.
Nilapitan ko si Louie. Mga 8 yrs old na siya. Siya na nga yung pinaka-"Kuya" dito sa mga batang tinuturuan namin. Hindi siya nakakapag-aral kasi panganay siya sa kanila. Nangangalakal siya para makatulong sa mga magulang niya.
"Louie. Andami mo naman atang hiniram na libro?" -Sam
"Ituturo ko po kasi sana sa mga kapatid ko yung mga tinuturo niyo Ate," sagot sakin ni Louie habang nilalagay yung mga libro sa isang plastic bag na pamalengke.
Parang bibigay na nga yung plastic bag na pinaglalagyan niya eh. Manipis lang kasi. My heart aches for this kid. At an early age, nakakaranas na agad siya ng hirap.
I checked my phone and wallet.
"Tara. May pupuntahan tayo." I smiled at him.
Tinignan lang ako ni Louie ng may pagtataka.
