Chapter Thirty-five

42 0 0
                                    

Two months went fast.

Sa tulong ni Alex, I made it without Faye.

Buti na lang andiyan siya para sakin. :">

Haynako. Dapat lang noh. Kundi isusumbong ko siya kay Mama. Pinagbilin pa naman sa kanya ni Mama na alagaan ako. :)

Si Josh, ayun.

Nagpaka-workaholic na lang. Halos di ko na nga siya nakikita lately.

Yung parang nilalayo niya yung sarili niya sa mundo. Ganun ata talaga pag brokenhearted. :

Si Faye naman, paminsan-minsan nakakatext ko. Masaya na kahit papano nakakapag-usap na kami. 

Binigay na rin niya sakin yung address ng condo kung san siya nakatira ngayon. Malapit lang yung condo sa office na pinagtatrabahuhan  niya.

Gusto ko man siyang bisitahin, medyo nahihiya pa rin ako sa ginawa ko sa kanya.

Hindi ko man alam kung ano talaga ang tunay na nangyari sa kanila ni Josh, ang sigurado lang ay nasaktan ko siya sa mga sinabi ko at kahit papano ay may kasalanan ako sa kanya.

Buti na lang, kahit paunti-unti, nagumpisa kaming maging okay ni Faye dahil sa mga get together naming magkakaibigan. Madalas kasing magyaya ng hang out sina Vic at Marie for the past weeks.

Sana lang talaga mapag-usapan na namin yung problema at magkapatawaran na. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin kami nakakapag-usap ng masinsinan.

One day, maiintindihan niya rin naman siguro yung naging actions namin ni Josh.

At maayos din ang lahat.

Si Alex, ayun.

Si Alex KO pa rin. Haha.

He never fail to make me feel loved everyday. :">

Busy nga lang siya lately dahil may bago na siyang project na inaasikaso.

Idagdag pa yung pagpe-prepare nila ng Azkals para sa nalalapit na FIFA World Cup. Ayon sa kanya, isa yung major sports event kaya dapat nilang paghandaan.

Nakakamiss na nga siya eh.

Ang madalas kong kasama ngayon ay si Tita Alice.

You may not believe this, pero super close na namin ngayon. ^______^

Nag-e-enjoy akong kasama siya. Feeling ko magkakasundo sila ni Mama. :)

Ngayon nga, kasalukuyan kaming nagluluto ni Tita Alice ng sinigang.

Nagtatampo kasi yung boyfriend kong si Romero. Di na naman kasi ako nanood ng practice game niya.

Alam naman niyang wala akong kahilig-hilig sa sports eh. College days pa lang laging yun na pinagaawayan namin. =________=

Kaya para makabawi, nagpapatulong ako ngayon kay Tita… este… Mama Alice na pala. (Yes. She wanted me to call her that.) na lutuan si Alex ng paborito niyang pagkain.

Tinikman ko kung okay na yung asim ng sabaw.

"Be careful, Samantha. Use the pot holder."

Tignan mo tong si Tita Alice. Anak na talaga ang turing sakin.

Kaso, parang ginagawa naman akong bata. =________=

Namimiss lang niyan ni Tita Alice yung anak niyang babae na si Anna.

Minsan lang kasi yon makauwi dito sa bahay nila sa Sta. Mesa. Nagdodorm din kasi siya sa QC. Lam ko nasa senior high na siya.

"Okay na po yung lasa, Ma."

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon