Chapter 1⇨ Me, Myself and I

57 0 0
                                    

Kasandra's POV

"Sami!! Gising na!!! Malelate ka na sa school!!"

"Hmmmpphh..... one more minute!!"

"One more minute and your late!!! Mag-aalas syete na!!!"

(⊙o⊙)!!!!

Omo!!! I'm late!!! Bakit hindi gumana yung alarm clock ko? I was pretty sure na sinet ko ito ng maayos.

Oh well.... Karera Mode on!!
.
.
Tooth brush
.
.
Ligo
.
.
Bihis
.
.
Para akong hinahabol ng sampung kabayo sa isang karera dahil sa bilis ko. Hindi ako pwedeng malate. Ayaw ko nang matapon sa detention.

Bumaba na ako to take my breakfast. Nakita ko na si nanny Olly na naghihintay na sa mesa.

"Oh... ang aga mo naman yata" sarkastikong sabi niya sa akin.

"Oo nga po, masyadong napaaga ang alarm ko" pagsabay ko naman sa trip niya. "Nanny, sira po siguro yung alarm ko. Hindi kasi tumunog kanina" sabi ko uli.

"Tumunog yun kanina, narinig ko nga dito sa baba. Sadyang hindi mo lang talaga narinig, dahil ang himbing ng tulog mo" sabi niya sa akin habang nilalagyan ng juice ang baso ko.

"Si daddy po ba umuwi kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, pero wala siya ngayon sa kwarto niya. Malamang doon siya natulog sa pa—" hindi na tinapos ni nanny yung sasabihin niya. Malamang nahalata niya na iba na ang expression ko.

Alam ko naman na may ibang pamilya si daddy. Hindi man sabihin ng iba sa akin, nararamdaman ko naman eh. Every once in a blue moon lang siyang umuwi dito.

Kung sakaling umuwi siya, yun ay kung may mga okasyon. Tulad na lang kung pasko o birthday ko. Pero kadalasan, hindi rin naman siya nagtatagal. Usually, pumupunta lang siya dahil sa dala niyang regalo, pagkatapos nun ay aalis na naman siya.

By the way, my name is Kasandra Minerva Lopez, I'm 17 years old and Grade 12 student, accelerated kasi ako. Ang pangalan ko ay binigay sa akin ni daddy, pero ang pangalan daw na ibinigay sa akin ni mommy ay Sangmin Lopez.

I have a long wavy hair with bangs, fair skin, about 165 cm ang height, medyo singkit pero not that much, and of course maganda naman well, yun yung sinasabi ng mga mata ko, hindi ko lang alam sa mata ng ibang tao.

I'm good at playing guitar, cooking and my specialty is singing.

The name that mom gave me sounds a bit korean right? That's bacause my mom is Korean. Unfortunately, hindi ko na siya nakita. Sabi ni nanny, mommy died after giving birth of me. Yung pangalan kong Sangmin ay kwento na lang sa akin ni nanny. Siya kasi ang pinagsabihan nun ni mommy.

Ni minsan, hindi ko pa nakikita ang itsura ni mommy. Ayaw kasi ni daddy na makita ko maski ang picture niya. Kaya lumaki ako not knowing where I got my looks. Hindi ko naman kasi masyadong kamukha si dad, maybe I took after my mom.

Si nanny lang ang kasama ko palagi dito sa bahay at ang iba pa naming mga kasambahay. Walang gana ang buhay ko, kahit nandyan sila, feeling ko nag-iisa pa rin ako.

Buti na lang nandyan ang mga oppa ko to cheer me up. Jimin, Rapmon, Jungkook, V, Suga, J-hope, and most especially si Jin. Kahit anong sama ng araw ko, nawawala na lang bigla kapag nakikita ko sila.

Kaya sa lahat ng corner ng kwarto ko nakadikit ang mga picture nila. Lahat na expression na nagagawa nila sa pictures nakadikit sa pader ko.

Tawagin niyo nang obsession ito pero ito lang naman kasi ang nakakapagpasaya sa akin eh.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon