Chapter 4⇨ Accident

23 0 0
                                    

Jiro's POV

Bullsh*t!! That girl is someone I shouldn't play with. She takes everything seriously.

Hindi niya man lang ba naisip na I was just making fun of her. She's so stupid.

"Bakit mo ako ngayon tinatanong niyan? Kanina nung naglilinis ako ng cr ng mga boys hindi mo ako tinanong ng ganyan. What makes it defferent to this one?"

She's so stupid, hindi niya man lang pinag-iisipan ang mga gagawin niya. Stupid girl!!!

"Dude, your girl is a dare devil. Hindi man lang ba siya nahiya sa ginawa niya?" Sabi ni Rey.

"Yeah, as in sa harapan pa talaga natin, niya yun ginawa. What a shame" sabi naman ni Henry.

Sila ang mga nakakasama ko dito sa school. Well not really as friends, nagsasama lang kaming tatlo dahil sa status namin sa school. We are the three popular boys in campus, pero syempre ako ang ultimate.

"Tumigil nga kayo!! Her business is none of yours" bulyaw ko sa kanila. Nakakairita kasi sa tenga ang mga pinagsasasabi nila.

Hindi na sila nakapagsalita pa. Kapag nagagalit na kasi ako, hindi na sila gumagatong pa para hindi na lumala, dahil alam nila na iba ako magalit.

"Dude, ano pa ba ang balak kong gawin sa babaeng yun?" Tanong uli sa akin ni Rey.

Hindi ako nakasagot sa tanong niyang yun. Napaisip ako sa sinabi ni Rey. Icocontinue ko pa ba ang pagpapahirap ko sa kanya? Baka kasi hindi lang yun ang gawin niya, ako pa ang maging liable sa mangyari sa kanya.

"Bro, don't tell me na lumambot ka dahil lang sa ginawa ng babaeng yun kanina" sabi naman ni Henry. Ito talagang lalaking ito, hindi marunong pumili ng sasabihin.

"Tumigil ka nga!!!" Bulyaw ko sa kanya.

Kasandra's POV

Lahat ngayon na madaanan ko, ay tinititigan ako. Tila ba sinasabi ng mga mata nila na dapat silang lumayo sa akin.

Nagulat siguro sila sa ginawa ko kanina sa cafeteria. Sana hindi na nila ako guluhin pagkatapos nito.

Naglalakad ako ngayon papunta sa cr ng kakaiba ang nararamdaman. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Dapat nga mapanatag na ako at wala nang nanggugulo sa akin.

Pero bakit ganito? Parang mas lumala ang kaba ko.

Malapit na akong makarating sa cr nang makarinig ako ng mga nag-uusap. Sinundan ko kung saan yun nanggagaling, hanggang sa makarating ako sa likuran ng cr.

Nakita ko na may apat na babaeng nag-uusap doon. Aalis na sana ako pero narinig ko ang pangalan ko sa pinagkekwentuhan nila.

"Alam niyo girls, hindi man halata pero sa tingin ko finiflirt ni Kasandra si Jiro" -girl#1

"Talaga!! Papano mo naman nasabi?" -girl#2

"Yah! And ang mga tulad ni Kasandra ay hindi naman papatulan ni Jiro noh" -girl#3

"Pero bakit naman kaya palagi siyang kasama ni Jiro. And yung nangyari sa cafeteria kanina parang suspicious" -girl#4

"I know right. I mean, sino ba naman ang babaeng hindi mag-aambisyon na makuha ang atensyon ni Jiro. Ilusyonada talaga ang Kasandrang yun, kala niya kung sino siyang maganda" -girl#1

So ganyan pala ang tingin nila sa akin. Akala ko nakawala na ako sa mga tsismis nila, yun pala lumala pa.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanila. Kung hahayaan ko lang ba o icoconfront ko. Pero mas nanguna sa akin ang takot. Ayaw kong mas lumala pa ang pag-aalala sa akin ni nanny kaya iiwas na lang ako.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon