Chapter 12⇨ Graduation Day

23 0 0
                                    

Kasandra's POV

Nakarating na ako sa bahay. Medyo ginabi na ako ng uwi dahil sa pagpractice namin sa graduation.

"Jusko!! Kaunting oras na lang sana, tatawag na ako sa school niyo. Bakit ka ginabi?" Pagsalubong sa akin ni nanny. Nakalimutan ko palang tawagan si nanny na matatagalan akong makauwi. Nag-alala siguro siya sa akin.

"Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo" sabi niya habang minamasahe ng kaunti ang noo niya. Sumakit siguro ang ulo niya kakahintay sa akin.

"Sorry po nanny, nakalimutan ko po na tawagan kayo. Nagpractice po kasi kami sa graduation namin. Ang tagal po kasing magawa ng iba kaya natagalan din po kami" paliwanag ko sa kanya.

Akala ko papagalitan niya ako, pero hindi. Lumapit siya sa akin, kinuha niya ang kamay ko at may inilagay doon.

"Ano po ito nanny?" Tanong ko sa kanya. May ibinigay siyang maliit na box at nakaribbon pa.

"Open it" sabi niya naman kaya mabilis ko naman itong binuksan. Syempre, excited kasi akong makita kung ano yun.

Wow!! Ang cute!! Wait, ano ba ito?

Nakita ko na medyo maliit na bahay ang laman noon. Para itong laruan. Ano ba ito? Display lang? Figurine? Tinignan ko naman si nanny na ngayon ay nakatingin lang sa akin.

"Home is in you, Sami. It's not the people or the place where you are. It is in your heart. Yan ang palagi mong tandaan, Sami. Kahit saan man ako naroon, always remember me. Hindi lang sa isip, kundi sa puso" sabi sa akin ni nanny. Hindi ko siya doon naintindihan. Bakit niya yun sinasabi sa akin?

Nakita ko na may key ito sa likuran. Pinaikot ko yun at nagulat nang makita na may lumabas na bata sa loob ng bahay. Isa pala itong music box.

Ang ganda ng music niya, parang lullaby. Umiikot yung bata sa palibot ng bahay. Nung matapos na ang music, biglang bumuka ang bubong at unti-unting lumitaw ang mga maliliit din na tao-tao. It na siguro ang pamilya niya.

Nakita ko na tumaas yung bata hanggang sa makaabot ito sa bubuong. Tumaas ito hanggang sa makarating ito sa pamilya niya.

"This is my graduation gift for you Sami" sabi sa akin ni nanny.

"Ang aga naman po ata ng gift niyo, nanny. Hindi pa naman po graduation namin" paliwanag ko sa kanya.

"Hindi na kasi ako makapaghintay pa. Gusto ko na yan ibigay sa'yo" sabi niya uli. Hindi ko alam, pero parang masama ang pakiramdam ko.

Nagpapasalamat akong binigyan niya ako ng gift, pero bakit ang aga naman ata. May hinahabol ba si nanny?

Nagpasalamat na lang ako sa binigay niya at umakyat na sa kwarto ko. Pagkarating ko sa kwarto ko, inilapag ko ang music box sa study table ko. Habang nagpapalit ako ng damit pambahay, pinakikinggan ko rin ang lullaby ng music box.

I should be happy, pero bakit parang nalulungkot ako. Kakaiba kasi ang mga sinasabi ni nanny kanina. Hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niyang yun. Hindi ganun ang nanny ko. Ano kaya ang nangyayari sa kanya?

Rodrigo's POV

"Sir, may ginagawa po si Olly. Nagbabalak po siyang umalis ng bansa kasama si Kasandra. Narinig ko po siyang nagbobook ng flight"

"Ano?! Sigurado ka?" Sagot ko doon sa tauhan ko. "Sige, gawin na ang plano" dagdag ko pa.

H*y*p talaga ang babaeng yan, hindi man lang natakot sa gagawin niya. Sinabi ko na nga bang may balak siya eh. Simula pa lang ng nagmakaawa siya sa akin na maging tagabantay ni Kasandra.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon