Chapter 46⇨ Kang Jiro (foot steps)

24 0 0
                                    

Sangmin's POV

Buti na lang at nakatakas kami sa mga reporters na yun. Kung hindi ay baka mareveal pa ang buo kong pagkatao. Pero sana nga lang ay hindi nila ako nakilala. Sana nga lang ay magmilagro at lahat ng mukha doon ay maging malabo para wala silang maging basehan ng pagmumukha ko.

Bigla ko namang naalala ang nakita ko kanina. Bakit kaya nasa Amusement Park din si Chanseol? At bakit niya kausap ang isa sa mga reporter?

Hindi kaya siya na ang tao sa panaginip ko na magpapahamak sa akin? Hindi naman nalalayo iyon sa katotohanan dahil nakita ko naman siyang kausap ang reporter, pero bakit kailangan siya pa?

Kaibigan ko si Chanseol at parang hindi kapani-paniwala na magagawa niya ang ganitong klaseng bagay.

Kailangan ko pa rin maghanap ng mga ebidensya kung bakit niya ito ginagawa.

Kinaumagahan

Papasok na sana ako pero naalala ko bigla, na kailangan pala namin ngayon dalhin sa school ang parents namin for an urgent meeting.

Papano ako nito? Sinong parent ang dadalhin ko? Hindi naman pwedeng si Aboji ang dalhin ko.

Bumaba na muna ako para kausapin si Aboji sa opisina niya.

"Yes Sangmin, do you need anything?" Tanong niya sa akin. Pumasok naman ako sa loob at umupo sa isang upuan sa unahan ng table ni Aboji.

"We have to bring our parents today for a meeting. The problem is, I don't have a par— I have no one with me" napatigil ako ng pagsasalita dahil sa expression ni Aboji.

Sa tingin ko ay gusto sana niyang siya ang pumunta pero sa kasamaang palad ay hindi pwede. Yumuko na lang  si Aboji.

"I'll send someone to be there. Don't worry Sangmin, just go to school and wait for that person" sabi ni Aboji habang naka yuko.

Pagkatapos nun ay naghanda na ako para pumasok ng school ngayon. Nakita kong nakabihis na si Eonni kaya nagdouble time na rin ako.

At Shool

Pumasok na ako ng classroom namin at una kong nakita ay si Chanseol. Babatiin ko sana siya pero napatigil ako dahil naalala ko na naman yung nakita ko kahapon.

Hindi ko pinahalata sa kanya ang naging expression ko. Baka kung ano ang isipin niya sa akin. Kailangan kong imaintain ang sarili ko para makakuha ng ebidensya.

"Hi Sami, how are you?" bati sa akin ni Chanseol.

"I'm fine, do you have anyone to attend the meeting?" Tanong ko sa kanya.

"Yup, my Eomma will" sagot niya naman.

"Good" yun na lang nasabi ko. Inilabas ko naman ang ilang libro ko para maalis ang isip ko sa mga distraction.

Bakit naman kaya ang tagal ngayon ni Jiro? Magtatime na wala pa rin siya. Mag-aabsent kaya siya ngayon? Lumabas muna ako at hinanap siya. Wala pa naman ang teacher namin kaya okay pa namang lumabas.

Pumunta ako sa parking lot at ikinagulat naman ang nakita ko. Nandoon si Jiro....... kasama ang daddy niya. Sa gulat ko ay tumago ako sa isang sulok na hindi nila makikita.

Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang ama ni Jiro at isang salita lang ang masasabi ko, 'NAKAKATAKOT'. Ngayon alam ko na kung saan galing ang dark aura na nakikita ko noon kay Jiro.

May pinagmanahan din pala siya ng mga ikinikilos niya. Nakakatakot din ang posture ng daddy niya, parang punung-puno ng authority.

Nakita ko naman si Jiro na nakayuko lang. Ano kaya ang nangyayari?

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon