Sangmin's POV
Habang papunta kami sa kung saan man ang pupuntahan namin ay wala akong magawa, wala rin na imik ang iba, yung iba ay nagsasound trip at yung iba ay tulog.
Tumingin ako kay Jiro na tulog din. Tiningnan ko siya at parang mahimbing siyang natutulog. Nakita ko na parang nagbago yung mukha niya. Para siyang binabangungot.
May kinakamot siya sa leeg niya at sa wrist. Ano kaya yun? Inangat ko ang kamay ko para tingnan kung ano yun, pero hahawak pa lang sana ako sa jacket niya nang mapatigil ako.
Baka kung ano pa ang isipin ng hunghang na ito. Baka isipin niya sinisilipan ko siya. Pero baka kung ano na ang nangyayari sa kanya. Kosensya ko naman ngayon ang papatay sa akin.
Sinilip ko kung ano ang kinakamot niya sa leeg ay nakita na may rashes na parang namamaga. Tiningnan ko rin ang wrist niya at pareha lang ang nakita ko.
Ano kaya ito? Saan ito galing?! Nagulat ako ng maramdaman ang kamay ni Jiro, kaya mabilis ko namang tinanggal ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Bakit ang dami mong rashes? Saan galing yan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, kinagat lang siguro ito ng lamot" palusot niya naman sa akin. Kaya pala kanina pa siya naka jacket, siguro marami pa siyang rash sa katawan.
"Pinatingin mo na ba yan sa doctor? Mukhan malala na yan" sabi ko sa kanya.
"So nag-aalala ka na ngayon sa akin?" Tanong niya naman. Ang lalaki talagang ito. May sakit na nga, nakuha pang magbiro.
"Okay lang ako, mawawala rin ito" sagot niya naman. Hinayaan ko na lang siya, pero hindi talaga maalis sa tingin ko ang mga rash niya.
Nakarating na kami sa paroroonan namin. Isang resort ang pinuntahan namin. Hindi ko alam kung saan ito, ang alam ko lang ay malayo ang lugar na ito mula sa pinanggalingan namin.
Halos 2 oras kaming nasa biyahe. Bumaba na kami sa van at tiningnan ko kung nasaan na kami. And all I can say is Paradise. Ang ganda ng lugar! Totoo ba ang lugar na ito?
"Sami, our cottage is waiting" pagtawag naman sa akin ni Jin oppa, kaya tumakbo na ako papunta sa kanila.
"We can't stay long out there. Someone might recognise us, especially you, so we need to stay here. But dont worry, they have a private cottage here with the perfect view of the whole resort" paliwanag naman sa akin ni Jin oppa.
Pumunta na kami sa isang room at doon iniwan ang mga dala naming gamit. Lumabas naman kami pagkatapos nun. Hindi naman daw kasi doon ang party namin.
Pumunta kami sa mas malaki pang room. Pagpasok pa lang namin ay sumalubong agad sa amin ang loob ng kwarto na puno ng streamers at balloons.
Nagsimula na nga ang party namin ni Seorin eonni. Ang lakas ng music namin, parang sarili namin ang buong cottage.
Nasa kalagitanaan kami ng kasiyahan namin ng makita ko na parang nahihilo si Jiro. Pumunta ako sa kanya para alalayan siya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. "Kaya mo bang maglakad?" Dagdag ko pa.
"I just need fresh air" sagot niya naman sa akin. Sinamahan ko naman siya sa terrace para lumanghap ng fresh air.
"Okay ka lang talaga? Mukhang namumutla ka" sabi ko sa kanya. Tiningnan ko naman yung rashes niya at nakitang mas lumala pa ito.
Bumakat na sa leeg nito ang mga ugat. Kitang-kita na dito ang pamamaga ng leeg niya. Hindi ito ordinaryong kagat lang ng lamot. Anong sakit ito?!
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...