Kasandra's POV
The concert was like a dream. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang pinaka hihintay kong moment. Para tuloy ayaw ko nang lumipas pa yung araw na yun.
"Sami bumangon ka na diyan, malelate ka pa sa school" pagpupumilit ni nanny na bumangon ako sa higaan.
At dahil sa natupad ang dream ko nung isang araw, full of energy ako ngayon. Mabilis akong bumangon at ginawa ang mga morning routine ko.
Pagkatapos kong magbreakfast, sumakay na ako ng sasakyan papuntang school.
I can't wait to tell them... oops, wala nga pala akong ibang mapagkekwentuhan. Wala naman kasi akong kaibigan sa school. Nakakalungkot naman ang pagiging loner, hindi ko man lang masheshare ang dream come true ko sa concert na yun.
"Look besh, bakit parang kakaiba ngayon si lonely Sami?"
"May nakain lang yan na panis na pagkain kaya ganyan yan"
"Kawawa naman si lonely Sami, gulo na siguro ang utak kaya nakangiti ng mag-isa"
Sorry na lang kayo, hindi pa ako tulad ng mga sinasabi niyo. Sadyang blooming lang talaga ako ngayon. Syempre, inspired dahil sa nangyari nung isang araw.
Kaya okay lang kung sabihan pa nila akong nalipasan ng gutom, wa epek yan sa akin dahil inspired ako ngayon.
Sa tingin ko maghapon ngayong maganda ang araw k—"Araaaayyy!!!" Ano ba naman ang taong ito hindi marunong tumingin sa dinadaanan. Inangat ko ang tingin sa taong yun. Nakita ko na si Jiro pala yun.
Hay naku, kung ginawa niya yun para inisin ako, wag niya na lang gawin uli. Ayaw kong masira ang araw ko.
Maglalakad na sana ako sa kabilang bahagi ng corridor, pero hinarangan niya uli ako. Ano bang problema ng taong ito?!
"Natapos lang ang finals, isnabera ka na. Don't forget na ako pa rin ang master mo. Your just my slave kaya wala kang karapatan na iwasan ako ng ganyan" sabi niya sa akin. Okay, my day was ruined. All thanks, to MASTER here.
"Haven't I paid my debt yet? Hindi pa ba sapat yung pinahiya ko na rin ang sarili ko sa buong school?" Sabi ko sa kanya. Kainis na tao ito, hindi man lang isipin muna yung mga naging sitwasyon ko nung pinapahirapan niya ako.
"Hindi mo naman sinabi na may dew date pala ang pagiging slave mo. Sinabi mo sa akin na susundin mo lahat na ipapagawa ko sa'yo. You didn't say na kung hanggang saan o kailan ang pagiging slave mo" sabi sa akin ng mokong na yun.
Pinagsisisihan ko na ang mga sinabi kong yun. Alam ko na sa mula pa lang na sinabi ko ang unang salita sa promise na yun, ay wala nang magandang mangyayari. Ikaw naman kasi Sami, nagpadala ka na naman sa takot mo sa kanya.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila papunta sa hindi ko malamang lugar. Masyado kayang malaki ang school na ito kaya hindi ko naman makakabisado lahat ng lugar dito.
Tumigil kami sa likuran ng isang building. Ito yung pinuntahan ko nung inaatake ako ng sakit ko. Bakit niya naman kaya ako dinala dito?
"Tell me, kamusta ba ang concert nila?" Tanong niya.
(⊙. ⊙)!
Teka, yung BTS concert ba ang minimean niya?
"Talagang ginawa mo ang lahat para lang sa concert na yun. You even had the courage to file a suspencion for one of your classmates dahil lang sa nagambala ka niya sa exams. Grabe, saan mo kinuha ang lakas ng loob para makipag deal sa teacher mo?" Tanong niya naman sa akin.
Wag na siyang magtaka, ganito naman talaga ako eh. Spoiled akong tao, aaminin ko yun. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko. Pero sinisigurado ko pa rin na nasa maganda at tamang paraan naman ang mga ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...