Kasandra's POV
☆After 1 week☆
Ngayong araw na ang alis ko. At ngayong araw ko na rin gagawin ang plano ko.
Sana nga lang gumana ito. Gusto ko na kasing makaalis sa nakakaimbyernang bahay na ito. Hindi ko nga alam kung papano ko natiis ang manatili lang sa loob ng kwarto ko the whole day.
Kung hindi naman sa kwarto ko ay doon ako nagkukulong sa kwarto ni nanny... este ninang Olly pala.
Lumabas na ako ng kwarto ko at sinaluhan si fake dad sa hapag kainan. Himala nga, ngayon ko lang uli siya nakasamang kumain.
Ano naman kayang pollution ang nasinghot nito?
"Dad, by the way. May pupuntahan po pala ako ngayon. Maghahanap na ako ng university na papasukan ko" sabi ko sa kanya habang kumakain.
"No need, ako na ang mag-eenroll sa'yo" sagot niya naman.
Naku, baka masira pa nito ang plano ko! Palusot mode: On!!
"Dad, I'm turning collage not high school. Shouldn't I be the one to enroll myself? I mean, malaki na po ako. Hayaan niyo na po akong maging responsable sa sarili ko" paliwanag ko naman sa kanya.
Matagal muna akong tinitigan ni fake dad bago siya nagsalita.
"Well, okay. Pero kailangan, kasama mo ang bago mong nanny" sabi niya naman.
"Okay" sagot ko sa kanya saka nakangiting kumain ng breakfast ko.
Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na ang bag ko at naglagay ng kaunting mga damit na pamalit. Kaunti lang ang dinala ko dahil para hindi ako mahalata ni fake dad.
Pumunta rin ako sa kwarto ni nanny at kinuha na ang ticket, scrapbook at yung music box ko. Sinuot ko na rin ang necklace na binigay sa akin ni fake dad.
Alam kong hahanapin niya ito sa akin lalo na't aalis ako sa paningin niya. Simple lang ang suot ko ngayon. Isang V-neck na plain white shirt, black leggings na may maong short at rubber shoes. Tinali ko rin ang buhok ko into a bun.
Lumabas na ako ng kwarto at sinalubong na ng tagabantay ko na hanep sa porma. Dinaig pa ang get up ko.
May pupuntahan ba siya? Sasamahan niya lang naman akong makatakas, tapos ganyan ang style niya.
Naka off shoulder na orange, blue pants, 2 inches na heels, at naka curls pa talaga ang buhok.
Ano, magshoshopping ba kami? Mukhang may dadaluhang party ang peg ni ateng!!!
"Tara na!" Sabi niya naman sa akin habang naglilipstick pa.
Hay ewan, mahahagard lang naman siya mamaya sa kakahanap sa akin. Bahala siya sa buhay niya.
Bumaba na kami at nakita ko si fake dad na nakatutok sa cellphone niya. Alam ko naman kung ano ang ginagawa niya eh.
Ngayon pa lang ay nakabantay na siya sa akin.
Lalapit pa sana ako para magpaalam pero wag na lang. Sumigaw na lang ako para marinig niya.
"Dad!! Aalis na po kami!!!" Sigaw ko sa kanya pero wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.
Ano pa ba naman ang aasahan ko sa isang FAKE dad.
Sumakay na kami sa kotse at papunta na ngayon sa Univerity.
☆After 20 min☆
Nakarating na rin kami. Bumaba na ako ng sasakyan. Susundan pa sana ako ng tagabantay ko pero hindi ko na siya pinayagan.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...