Chapter 52⇨ Investigate

20 0 0
                                    

3rd Person's POV

Halos hindi na natulog ang magkapatid na sina Jin at Seorin dahil sa kakatanong kay Sangmin sa kung ano ang nangyari sa dalaga nung araw na kinidnap siya.

"For the one hundreth time oppa, I'm fine. They didn't do anything wrong with me" sagot ni Sangmin sa kuya niya nung tanungin siya nito nang paulit-ulit tungkol sa nangyari sa kanya.

"That's not possible Sami. Why would they kidnap you if they would not do anything to you. Tell me Sami, did they do something to you? Be honest!" Sigaw naman ngayon ni Seorin sa kapatid.

"Eonni, whatever it is your thinking, it didn't heppened, okay? They just talk to me about something" sagot uli ni Sangmin. Gusto niya mang itigil na ang mga kapatid sa kakatanong sa kanya pero hindi niya magawa dahil hindi siya nakakakuha ng magandang tyempo para palusutan sila.

"Oppa, eonni, aren't you guys sleepy? It's already morning. The both of you haven't slept yet. Oppa, aren't you going back to your dormitory?" Sinubukan niyang magpalusot sa kanila.

"Stop changing the topic Sami! Just tell us the truth, please" pagmamakaawa ng kuya sa kapatid niya.

Bigla namang sumiryoso ang pagmumukha ni Sangmin. Napatigil naman ang dalawa niyang matandang kapatid dahil sa biglaang paninibago ng pagmumukha ng kapatid nila.

"Why can't I be introduced to the public?" Walang pag-aalinlangang tanong ni Sangmin sa dalawa niyang kapatid habang diretso silang tinititigan. Ang kanyang titig ay parang tingin ng isang bata na nawawala sa isang park.

"Sami, as much as we wanted to, we can't. Only Appa is the one who can do that. He is the one to decide" paliwanag ni Seorin. Hahawakan niya sana si Sangmin sa balikat pero bigla naman itong iniwas ng dalaga na siya namang ikinagulat ni Seorin.

Mabilis na naglakad si Sangmin papunta sa kwarto niya. Tinatawag siya ng mga kapatid niya pero hindi na siya nag-abala pang tumigil at pakinggan sila.

Sangmin's POV

★Blag★

"Pag-uwi mo, tanungin mo ang pamilya mo kung bakit hindi ka nila pinapakilala sa publiko. Kasandra, hindi naman siguro ganito katagal ang kailangan para matapos ang mga papel mo na nagsasabing anak ka nila lalo na't may DNA test na. Alamin mo kung bakit hindi ka nila mapakilala sa publiko. Kapag nalaman mo na, kausapin mo uli ako. Don't worry, nandito lang ako"

"Sami, as much as we wanted to, we can't. Only Appa is the one who can do that. He is the one to decide"

We... can't...
We... can't...
Only Appa... who can do that...
He... decides...

"Bakit??? Bakit???? Ahhhhhh!!!!! Bakit ako napupuno ng mga katanungan?????!!!!!!! Ahhhhhhh!!!!"

★Crash★
.
★Blag★
.
★Boogsh★
.
★Knock knock knock★

"Sami! What are you doing?! What is happening in there?! Sami!! Open the door!!"

"Sami!! Please... open the door!! I'll call Appa... I'll talk to him, just calm down... okay?!"

"No!!! Leave me alone!!" Sigaw ko sa kanila. Sa ngayon ay napupuno ng katanungan ang isip ko. Bakit nga ba ngayon ko lang ito naisip? Pero kahit papano ay sana hindi na lang ito dumaan sa isip ko.

Kung hindi ko sana ito nalaman, hindi na sana ako nahihirapan ng ganito. Umupo ako sa sahig, katabi ng kama ko. Bigla kasing nanghina ang mga tuhod ko. Wala sa sarili akong napasabunot sa sarili ko dahil litung-lito na ako. Sino ba dapat ang paniniwalaan ko?

"Noona, it's me, Chuny. I want to talk to you, can I come in?" Narinig ko ang mahinahong boses ni Chuny. Kaaga-aga nandito na agad ang batang ito. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin?

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon