Jiro's POV
Nagulat ako nung makita ko si Sangmin na pumasok sa classroom. Ang cute niyang tingnan habang nakayuko sa unahan.
Nagpakilala siya briefly in korean, at hindi na rin masama. Mukhang kailangan niya ng tulong sa pag-aaral ng language.
Nung marinig niya ang pangalan ko mula sa teacher ay parang medyo nagulat siya at hinanap ako ng nga mata niya. Nung makita niya ako, binigyan ko siya ng isang ngisi na sinasabing, pumapanig sa akin ang swerte.
Nakita ko naman na may kinawayan siyang isa pang tao sa side. Doon ko lang nahalata na yun pala yung nakita namin sa mall nung nagshopping kaming dalawa.
Chanseol ata ang pangalan niya, pero hindi ako sigurado at wala naman akong pakialam. Nagsitinginan ang iba pang mga students doon sa Chanseol na yun.
Baka iniisip nila na may something between them. Well their wrong, mamaya makikilala nila kung sino talaga ang dapat nilang pag-isipan ng ganyan.
I can't wait, ngayon pa lang nakikita ko na ang inis na pagmumukha ni Sami. Tingnan lang natin kung may magagawa pa siya.
Umupo na si Sami sa isa pang upuan sa left side ko. Nasa fourth row kaming dalawa. Ako ang nasa third column at sa left side ko ay si Sami.
Yung Chanseol ay nakaupo sa fifth column at nasa third row. Bale ganito ang order naming tatlo.
Mr. Wang
\ [table] / [door
\________________/
= = = = = =
= = = = = =
= Ch = = = =
= = S Ako = =
= = = = = =
= = = = = =Nagsimula nang maglesson si Sesangnim sa amin. Mostly Korean ang salitang ginagamit ni Sesangnim. Napatingin naman ako kay Sami.
Nakita ko na naka kunot ang noon niya. Siguro hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Seonsaengnim.
Sangmin's POV
Nagsimula nang sumakit ang ulo ko dahil sa hindi ko naiintindihan ang dinidiscuss sa amin. Pinipilit kong intindihin ang mga salita nila pero sadya lang talagang mabilis ang pananalita ng teacher namin.
Wala akong makukuhang lesson sa araw na ito. I'm sure palaging in Korean ang paglelesson ng mga teacher namin.
"Pssstt... ppssst..." may narinig akong naninitsit. Nakita ko na si Chanseol pala yun. May inabot siya sa aking isang papel. Kinuha ko naman yun at binasa kung ano ang naka sulat.
It's nice to see you... again. Let's eat lunch together at the cafeteria later at lunch time, okay?
Yun ang nakasulat sa papel. Napangiti naman ako sa sulat na yun. Buti na lang at mayroon na agad akong kaibigan sa mga classmates ko.
Turns out this first day is not as bad as I'd expect it to be. Maganda rin pala ang kalalabasan nito.
Nagdraw ako ng thumbs up sa likuran ng papel at ibinigay uli yun sa kanya. Nung makuha niya yun mula sa akin at nakita na niya ang nakasulat doon, nginitian niya naman ako.
Ang cute niyang tingnan habang naka ngiti siya sa akin. Parang ang gaan-gaan niyang kasama. Hindi tulad ng katabi kong ito. Ngingiti lang kung may naiisip siyang kalokohan.
Tumingin naman ako kay Jiro at nagulat ng makitang nakatitig din pala siya sa akin. Parang may sinasabi siya sa akin pero hindi ko naman maintindihan dahil ibinubulong niya lang ito na parang siya lang ang nakakarinig.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanficKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...