Chapter 60⇨ Beginning of the End

12 2 0
                                    

Sangmin's POV

Umuwi muna ako dahil according sa doctor ni Aboji, bawal daw siyang mastress. Nung pagdating ko kasi kanina, tumaas ang blood pressure niya. Hinatid ako ni oppa sa bahay saka umalis uli para pumunta sa dormitory nila. Sigurado daw na hinahanap na siya ngayon ng manager nila.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Pakiramdam ko ay nakakulong na naman ako. Wala na naman akong kasama at kausap.

★Rrriiiiiinnnnggg rrriiiiiinnnnggg★

Narinig kong nagring ang cellphone ko at nakita ko na si Jiro pala ang tumatawag. Bakit naman kaya siya tumatawag? Sinagot ko naman yun pero hindi muna ako nagsalita. Hinintay ko siyang magsalita. Gusto kong malaman kung ano ang sasabihin niya.

"Sami? Are you there?"

(...)

"Sami... alam kong nakikinig ka. Magsalita ka naman"

(...)

"Yah!! As your master I command you to answer me. Say something you SLAVE!" Sigaw niya sa akin.

"Yah!! Don't shout at me okay!! Naririnig kita, hinihintay ko lang kung ano ang gusto mong sabihin" kainis naman ang taong ito. Kung may sasabihin siya, dapat sabihin niya na agad.

"Okay, ang gusto ko lang naman sabihin ay—" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Jiro dahil narinig kong parang nagkakagulo sa labas. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Laking gulat ko ng makitang pinapasok kami ng mga lalaking naka mask na itim. Tulad nung dati...

"Miss, hide" sabi naman sa akin ng bodyguard ko. Pumasok uli ako sa loob ng kwarto ko para magtago. Nagtago ako sa likuran ng isang malaking cabinet. Dahil sa takot ay tumawag ako kay oppa.

"Neh Sami, what is it?" Tanong naman ni oppa.

"Oppa, some men in masks are here at home. I'm scared" pahayag ko sa kanya. Napasigaw naman ako sa biglang pagbukas ng pinto ko. Sinipa pala ng isang lalaking nakamask ang nakalock na pinto ng kwarto ko.

Hindi ko na naibaba pa ang tawag ni oppa dahil sa nahulog ko yung cellphone ko.

Jin's POV

"Hyung, where are you going again? The manager will be here in a few minutes" Namjoon asked.

"I have to save Sami, she's in danger!" I thought I'd be going alone, but after I said that, the whole group agreed to come with me.

"Where are you going? Yah!!! Where are all of you going??!!!" The manager shouted when he saw us heading outside. We didn't pay attention to him, because we were far more worried about Sami.

I took my car and Jimin with his.  Teahyung, Yoongi, and Jungkook went with me, while Namjoon and Hoseok went with Jimin. Then we were off to my house.

3rd Person POV

Sa kanto na ng papunta sa bahay sina Jin nung may makasalubong silang mga kotse rin na papalabas sa street nila. Isinawalang bahala lang ito ni Jin pero bigla niyang naitigil ang sasakyan niya na ikinagulat naman ni Jimin na nasa likuran lang nila.

"Hyung, what's wrong?" Tanong naman ni Jimin habang nakalabas ang ulo sa bintana ng kotse niya. Hindi na sumagot si Jin at bigla na lang nagU turn at sinundan ang kotseng nakasalubong nila. Si Jimin naman, kahit hindi alam ang nangyayari, sinundan na lang si Jin.

Nang maabutan nila ang mga sasakyan na yun, bigla na lang pinaharurot ni Jin ang sasakyan niya at mabilis na hinarangan ang dadaanan ng mga kotse. Rinig na rinig naman ang pagpreno ng mga kotse at ang tunog na gawa ng mga gulong nito sa kalsada. Nakatigil ang mga kotse malapit sa kotse ni Jin.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon