Chapter 38⇨ The Tutor

11 0 0
                                    

Jin's POV

Today is Sangmin's first day of school. I would like to at least be there for her but we were busy. The group had such busy schedule today.

We barely have time to sleep. Most of the time, we sleep at the van on our way to another place. And also, Sami must not yet be seen with me.

The public doesn't know that she's Kim Sangmin, the daughter of Kim Junhyeong. Right now, she's living as ordinary Kim Sangmin.

"Jin hyung, the manager said, someone want's to talk to you right now" Jungkook told me.

"Arrasseo" I answered. I went to our manager that was in the conference room.

Sangmin's POV

Nakarating na ako sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang ikikwento ko kila Eonni at Aboji. Wala naman akong natutunan sa lessons namin dahil hindi ko naman naintindihan.

Maganda naman ang kinalabasan ng first day ko, hindi ko nga lang masasabing pareho yun ng sa lessons namin. Sana nga lang ay may mag magandang loob na magturo sa akin ng Korean language.

Pinagbuksan na ako ng mga maids ng pinto kaya pumasok na ako sa loob. Dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Nilapag ko ang bag ko sa study table ko. Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko naman ang laman ng bag ko.

Kinuha ko ang mga notebooks ko at tiningnan kung ano man ang mga bagay na nagawa ko kanina habang naglelesson.

Nakita ko, na lahat ng nasa notebook ko ay mga doodle art lang. Nakahiligan ko kasing magdoodle kapag nabobored ako.

Kahit nga kapag wala ako sa sarili ko. Hindi ko namamalayan na gumagalaw na lang ng kusa ang kamay ko at kung ano-anong bagay na lang ang nadodraw ko.

Hindi naman kagalingan ang kamay ko sa pagdodrawing, pero nag-eenjoy lang talaga ako kapag hawak ang lapis at kung ano man ang lumabas sa isip ko ay nailalagay ko sa papel.

Dinala ko yung notebook na may drawing at humiga ako sa higaan ko. Nag-eenjoy akong tingnan ang mga ginawa ko kanina.

Drinawing ko ang isang doodle ng mukha ni Chanseol na cute na naka ngiti. Pati na rin si Jiro na naka busangot. Nilagyan ko ng monkey face yung kay Jiro dahil malikot siya at mischivous tulad ng isang unggoy.

Sa isang blank page naman ay nagsimula uli akong magdraw ng panibagong doodle. Ngayon naman ay si Jin oppa ang idodraw ko. Inimagine ko kung ano ang hair style niya ngayon at kung papano siya ngumiti. Yung part na may short vertical line sa both ends ng lips niya habang naka ngiti.

Pagkatapos ko yun gawin ay kumuha naman ako ng pink crayon at kinulayan ko ang paligid niya ng pink. Kapag nakikita ko kasi si Jin oppa parang palagi siyang may pink aura.

Hindi naman dahil sa bakla siya or what so ever. Hindi bakla ang kuya ko no! Sadya lang talagang mahilig siya sa pink. At dahil doon, kapag masaya siya, parang nakikita ko sa kanya na parang napupuno siya ng pink na aura.

Pinangalanan ko isa-isa ang mga drinaw ko at habang ginawa ko yun, naramdaman kong parang bumibigat ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na nga akong bumigay at naka tulog na.

After 15 min

"Sami, wake up... Sami.... Sami... wake up" nakarinig ako ng boses na tumatawag sa akin. Hindi ko malaman kung sino yun pero parang kilala ko ang boses na yun.

Naramdaman ko rin na parang inaalog-alog ako ng kaunti. Kahit ayaw pang dumilat ng mga mata ko ay ginawa ko na. Mapilit kasi ang gumigising sa akin.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon