Chapter 33⇨ The Slave's Date

19 0 0
                                    

Jiro's POV

Today was the happiest day of my life!! Hindi talaga ako makapaniwala na ang slave ko na si Kasandra ay ang kapatid pala ni Jin hyung na si Kim Sangmin.

Actually, naging close lang kami ni Kasan- I mean Sangmin nung naging slave ko na siya. Nung una ay pinapahirapan ko talaga ang buhay niya dahil sa ginawa niya sa akin.

Pero as time goes by, ginagawa ko na yun dahil gusto ko siyang makita... m-makitang... nahihirapan. Nakakatawa kasi ang mukha niya kapag naiinis siya.

Hindi ko alam kung friendship na ang tawag nun pero, if it is, then she really is my friend now. Friend na pinapahirapan pa rin. Syempre, nagpromise siya sa akin na magiging slave ko siya.

Pumunta kami sa isang men's wear section para pumili ng mga damit ko. Hindi na kasi kasya sa akin ang mga damit ko dito. Nakalimutan ko na matagal na pala akong hindi nakakauwi dito.

I chose the best clothes that they could get, pero syempre yung mga style ko naman. Mostly ay swag type ang gusto ko. A little bit simple, but still rocks.

Nagfit ako ng mga damit at naiwan naman si Sangmin sa labas. Siya ngayon ang judge ko sa mga clothes na bibilhin ko. I admit, she has a good sense of fashion.

Lumabas na ako sa fitting room and presented my good looks. Nakita ko na tinitigan ako ni Sangmin mula ulo hanggang paa. Matagal niya yun ginawa. Tumayo siya at lumapit sa akin.

Ano naman kaya ang gagawin ng babaeng ito? Nagulat ako nung bigla niya akong hawakan sa buhok. Naramdaman kong parang inayos niya ang hair style ko.

Pagkatapos niya yun gawin ay ngumiti na siya at tumango-tango. Bigla naman akong ininitan pagkatapos nun.

Nakita ko naman ang isang sales lady na nakangiti sa aming dalawa tapos may sinabi pang isang bagay na mas lalong nagpainit ng pakiramdam ko.

"Your girlfriend is so sweet, sir" sabi ng sales lady.

Sangmin's POV

Ano naman kaya ang sinabi ng sales lady kay Jiro at biglang nagblush ang lalaking ito.

"Anong sinabi niya?" Tanong ko kay Jiro.

"Sabi niya, ang clingy mo raw" sabi ni Jiro sa akin. Tumingin naman ako sa sarili ko at nakitang ang lapit ko na pala sa lalaking ito.

Bigla naman akong napaurong para lumayo ng kaunti sa kanya.

"Uy!! Walang ibig sabihin sa ginawa ko! Inayos ko lang ang buhok mo para bumagay sa style mo" pagpapaliwanag  ko sa kanya baka kasi iba ang isipin ng hunghang na ito.

Pagkatapos nun ay nagsukat pa siya ng ibang damit, tumango na lang ako ng tumango sa mga pinipili niya. Halos lahat naman kasi ay bumabagay sa kanya.

After 1 hour

Hay... salamat naman at natapos na rin ang walang hanggang pagsusukat ng lalaking ito. Lahat ng sinukat niya ay binili niya.

Nasa cashier na kami at binalot na ng cahera ang mga damit na pinamili ni Jiro. Pagkatapos niyang bayaran ay kukunin niya na sana ang pinamili niya nang bigal niya itong nabitawan at hinawakan ang kamay na para bang may masakita ito.

Pumunta naman ako sa kanya, inayos ko ang gamit na nahulog at binitbit na yun.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

"Masakit ang kamay ko. Parang nasprain ata" sabi niya sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil-pisil yun para malaman kung masakit nga.

"Ouch!!" Sigaw naman ni Jiro dahil sa sakit.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon