Sangmin's POV
Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Sa mga oras na yun, ang tanging umiikot sa isip ko ay ang panaginip ko. Papano kung magkatotoo yun at mangyari ang madugong nakita ko sa panaginip. Ito na ba ang baril na nakita ko sa panaginip ko? Itinutok niya ang baril sa amin at tinutukan din siya ng baril ng mga guard namin.
"Let it end here Rodrigo. I'll forget what you did, just leave my Sangmin alone and never bother us again" sabi naman ni Aboji. Sana naman ay tanggapin na yun ni daddy Rodrigo.
"Kasandra! Gusto mo bang maging madugo ang reunion niyo ng pamilya mo? Ikaw ang mamili! Ang manatili dito sa Korea at makapiling ang mga PUNTOD ng pamilya mo!! O ang umuwi sa Pilipinas kasama ko para mamuhay ng tahimik? Nasa sa'yo ngayon ang buhay ng pamilya mo, Kasandra!! Kasiyahan mo? O kaligtasan nila?" napaluha na lang ako sa pilit na itinatanong sa akin ni daddy Rodrigo.
"Sami? What is he talking about? Sami, talk to me" nag-aalala namang tanong sa akin ni eonni nang makita akong umiiyak.
"What is he talking about, Sami?" Tanong naman ni oppa.
"Rodrigo! Whatever it is your trying to do, stop it!!! You will never again lay hands on my daughter, you get me!!!" Sigaw ni Aboji.
"That depends on what she decides to do" nakangisi niya namang saad habang ikinakasa ang baril na hawak niya. Nakita ko naman na humanda na rin ang mga guard sa maaari niyang gawin.
"Itong tandaan mo Kasandra, hindi ako mamamatay hangga't hindi ko sila napapatamaan ng bala ko!! Kaya magdesisyon ka na!!" Sigaw ni daddy Rodrigo.
"Wag kang pumayag Sami!! You know who you are, you are Kim Sangmin. You belong here in Korea, not in the Philippines, by the hands of that monster" tiningnan ko naman ng masama si Jiro para matigil siya. Ayaw ko na kasing madamay pa siya sa gulong ito.
"Jiro, what is he talking about? Tell me" pagtatanong naman ni oppa sa kanya. Pero bago pa man makasagot si Jiro ay sumagot na ako kay daddy Rodrigo.
"Sasama na ako! I'll go, I'll be your daughter again" saad ko habang naglalakad papunta sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Aboji sa braso ko pero inalis ko yun. Saka niya lang ibinaba ang baril niya nang makarating na ako sa tabi niya.
"Attorney... What did you say your name was? Ah, atty. Kang Seongjun, tell me, is it wrong for me to claim her now as my child? The decision came from the girl herself. Kasandra, how old are you?" Ayaw ko na sanang sagutin ang tanong niyang yun sa akin.
"I-I-I'm eighteen years old" pautal kong sagot sa kanya habang nakayuko lang. Ayaw ko nang makita ang mga malulungkot na mukha ng pamilya ko. For the second time, tatalikuran ko sila at sasama uli sa lalaking ito. Ginawa ko ito para sa ikaliligtas ng pamilya ko.
Nakita ko naman si Atty. Kang na napabuntong hininga na lang sa sinagot ko. Alam niya kasing nasa tamang edad na ako para magdesisyon para sa buhay ko. Wala na silang magagawa dahil nakapagdesisyon na akong sumama sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan na niya ako at inakay papalabas. Habang naglalakad kami ay sumusunod naman sa amin sina Aboji.
"Sami, please don't do this. We lost you once, and it really broke our hearts. If we lose you again, we might not recover this time" pagpipigil sa akin ni eonni habang nakahawak sa balikat ko.
"She's not talking to you" sabi naman ni daddy Rodrigo habang hinihila ako papalayo pero pinigilan ko naman siya.
"At least hayaan mo naman po akong makapagpaalam sa kanila" saad ko sa kanya. Buti naman at pumayag siya at binitawan ako. Lumapit uli ako kay eonni na nagsisimula nang umiyak. Hindi na ako nagsalita pa at niyakap na lang siya. Naramdaman ko rin ang yakap nina Aboji at oppa.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...