Chapter 40⇨ Caught on Cam

15 0 0
                                    

Sangmin's POV

Saturday ngayon kaya wala kaming pasok. Nandito kami ni Jiro sa kwarto ko dahil tutor ko nga siya di ba. Kanina pa siya ngawa ng ngawa pero wala naman akong naiintindihan.

Pero sa totoo ay hindi ko lang talaga iniintindi ang mga sinasabi niya. Tingnan natin kung sino naman ngayon sa amin ang mahirapan.

"I'm bored, wala naman akong natututunan sa mga pinagsasasabi mo. Manood na lang kaya tayo ng tv" sabi ko kay Jiro. Mukha naman na napapagod na rin siya sa kakapaulit-ulit ng mga sinasabi niya.

Ilang ulit na niyang ipinaliwanag sa akin ang proper pronounciation pero hindi ko pa rin makuha, or more like, ayaw ko pa ring makuha.

Binitawan na niya ang hawak niyang libro at nauna nang lumabas ng kwarto. Nairita na siguro siya dahil sa inaasal ko.

Hindi pa nga yun kalahati ng mga ginawa at pinagawa niya sa akin dati tapos ngayon magrereklamo siya.

Inayos ko na muna ang mga gamit na iniwan lang ni Jiro na nakakalat sa kwarto ko saka lumabas na. Bumaba na ako para manood ng tv.

Nakita ko na si Jiro sa baba ng hagdan. Parang may tinitingnan siya. Lumapit ako at nakitang nanonood pala si Eonni ng tv.

"Tara na, ayaw mo bang umupo?" Pagyayaya ko kay Jiro papunta sa sofa kung saan naka upo rin si Eonni at nanonood.

"Yan na yung show ni Jin hyung oh" sabi niya naman sa akin. Napatingin ako sa tv at nakita nga doon si Jin oppa. Ang gwapo niya talaga, mapatv man o sa personal.

Lumapit ako sa may kay Eonni para mas makita si Jin oppa. Hindi ko man masyadong maintindihan ang mga pinagsasasabi nila, pero at least nakikita ko si Jin oppa.

Kaso lang natigil ang ngiti ko nung makitang may kasama siyang babae. Sabay silang kumakain, nagtatawanan, nagkekwentuhan, at palagi silang magkasama sa show.

Yung ibang celebrities ay by partner din, so ibig-sabihin nito, by partner talaga ang show nila. Kaya naman pala Heart in Japan.

"I knew it. The public would still choose Go Jisang" narinig kong sabi ni Eonni.

"Who's Go Jisang, Eonni?" Tanong ko sa kanya, pero hindi na ako sinagot pa ni Eonni dahil busy siya sa pakikinig sa sinasabi tungkol sa show.

So ano ito, parang couples lang na nagbabakasyon sa Japan? Ganun!! Hindi naman kagandahan ang babae, hindi nga siya bagay kay Oppa.

Papano naman kaya nila pinili ang mga ipapagpair nila? Mukhang hindi man lang pinag-isipan ng mabuti. Halata namang peke ang ngiti ng babaeng ito.

Kung makapapansin kay Jin oppa parang sa tingin niya siya na lang ang natitirang babae sa mundo. Hindi naman bagay sa kanya ang ngiti niyang parang nagpapacute kahit hindi naman.

★Click★

⊙,⊙!

"Eonni, why did you turn off the tv?" Tanong ko, hindi pa naman kasi tapos yung show.

"The show doesn't start till next week. That was just a sneak peak" paliwanag sa akin ni Seorin eonni.

So hindi pa pala yun ang show ni Oppa. Nakita ko na tumayo si Eonni mula sa sofa. Doon ko lang nahalata na nakabihis siya ngayon. Mukhang may pupuntahan.

"Eonni, are you going somewhere?" Tanong ko sa kanya. Bago siya sumagot ay tumingin na muna siya kay Jiro. Nahalata naman yun ni Jiro kaya medyo nailang siya at lumayo sa amin.

"I'm going to meet my FRIENNNND" pagpapahiwatig niya sa akin. Sa tingin ko ay may date siya ngayon. Isa na naman sa pwede niyang idagdag sa album niya.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon