Kasandra's POV
Nakaupo ako malapit sa bintana kaya nakikita ko kung nakarating na kami o hindi pa.
★Ting★
Ganun na lang kabilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang tunog na yun. Ibig sabihin ay nakaland na kami at maya-maya pa ay pwede na kaming makalabas.
Then yun na nga lumabas na kami ng eroplano. At nagproceed sa airport ng South Korea.
Dumiretso muna ako sa money changing office. Syempre kailangan kong ipalit ang dala kong pera into dollars no. Wala naman kayang halaga ang peso dito.
Bale yung 936,000 pesos ko ay naging $1800 na. Hanggang kailan kaya ang itatagal ng perang ito dito. Sana makaabot ito hanggang sa makita ko yung pamilya ko.
Pagkatapos kong magpapalit ng pera ay lumabas na ako ng airport.
Buti na nga lang at sweat shirt ang suot ko ngayon. Hindi ko akalain na ganito kalamig dito. Pero kahit na malamig, pakiramdam ko ay kinasanayan ko na ang ganito.
Naalala ko tuloy yung time na nagtake ako ng exams sa guidance office. Halos ganito rin kalamig doon. Mas malamig nga lang ng kaunti dito.
Kahit sumisikat ang araw, malamig pa rin ang simoy ng hangin. At hindi uso dito ang payong. Kahit tanghaling tapat na ay hindi pa rin sila gumagamit ng payong.
Papano ito? Hindi ako marunog magkorean. Saan ako kukuha ng taxi driver na marunong mag-english.
Sa tingin ko mauumagahan ako sa kakahintay at kakahanap ng taxi.
"Exicuseu... folenol?" nagulat ako ng may kumausap sa aking lalaki. Taxi driver siguro ito.
Anong sabi niya? Sino naman si Folenol? Hindi naman Folenol ang pangalan ko.
"Taeksi? You rideu my taeksi... you folenol" sabi niya uli. Teka, taeksi? Ah.... taxi.... at yung folenol naman siguro ay foreigner.
Okay na siguro'to pwede nang matyagaan.
"Yes please" nakangiti ko namang sagot sa kanya.
Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya. Ang gentleman naman ng driver na ito.
Sumakay na ako sa loob at kinuha ang scrapbook ni ninang para malaman kung saan ako pupunta.
"Excuse me, do you know where Shine company is?" Tanong ko sa taxi driver.
"Oh yeseu, bely bely parl" sagot sa akin ng taxi driver.
"Can you take me there?" Tanong ko uli sa kanya.
"No, no, no bely parl. You wanteu hoteleu? I takeu hoteleu" sabi sa akin ng driver. Hoteleu? Pwede na siguro yun.
"Okay, to hoteleu" sagot ko naman sa kanya.
"Okey!" Sabi naman ng driver saka nagmaneho na.
Ang ganda ng mga view dito sa Seoul. At saka, walang masyadong traffic. Lahat talaga ng mga sasakyan ay sumusunod sa traffic rules.
At ang mga gusali ay parang galing sa future. Halatang magagaling ang mga architect dito.
☆After 15 min☆
Nakarating na rin kami sa sinasabi ng driver na ito. Hotel pala ang ibig niyang sabihin. Nakakalito naman kasi ang hoteleu.
Binayaran ko na siya, grabe $89 ang siningil niya sa akin.
Pumasok na ako sa entrance ng hotel na ito. 신신 Hotel ang nakasulat sa hotel na ito. Yung hotel lang ang naintindihan ko. Syempre hindi pa naman ako marunong magbasa ng hangul.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanficKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...