Chapter 17⇨ Searching

16 0 0
                                    

Kasandra's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Umaga na pala, hindi ko man lang namalayan na umaga na. Hindi man lang ako ginising ng tagabantay ko.

Nagstretch muna ako ng katawan bago tuluyang bumangon sa higaan.

(>ㆁ<) ★yawn★
.
(—_—)
.
(•_•)
.
(●_●)!
.
(⊙_⊙)!!
.
(◎O◎)!!!
.
(★ω★)

Bigla kong naalala, nasa isang hotel nga pala ako. Isang hotel sa Korea!!!

Wala na nga pala ako sa Pilipinas at sa kasumpa-sumpang bahay ng ama-amahan ko.

Ngayong araw na rin ako magsisimulang maghanap sa pamilya ko.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Ang damit na sinuot ko ay yung damit na pinalitan ko nung sa Pilipinas pa ako.

Hindi naman ako nakapagdala ng maraming damit. Baka kasi mapaghinalaan pa ako nun ng fake dad ko.

Kaya I was only able to get one set of clothes. Nagdala rin ako ng mga underwears ko. Yun lang siguro ang nadala ko na medyo marami. Yun lang naman kasi ang magkakasya sa bag ko eh.

Pagkatapos kong makabihis at ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto ko. Wala akong iniwang gamit doon, iisa lang naman kasi ang dala ko. Hindi ko naman pwedeng iwan ang bag ko sa hotel dahil nandito ang pera ko.

Nakarating na ako sa ground floor at papunta na sana ako sa labas pero naalala ko, hindi nga pala ako marunong magtawag ng taxi dito. Hindi ko naman alam kung saan ang bus station dito.

Bago pa man ako makalabas sa hotel ay dumiretso muna ako sa information table.

Ito lang kasi ang matatakbuhan kong makakaintindi sa akin at maiintindihan ko rin.

"Yes ma'am, how may I help you?" Tanong sa aking ng babae.

"Uhmm... I don't know how to get a taxi. And I'm not yet familiar at this place. Can you please... call for a taxi to Shine Company?" Pakikiusap ko sa babae.

Nakita ko na napangiti siya sa sinabi ko. Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Okay ma'am, please wait there for a minute" sabi niya sabay turo sa lobby.
Pumunta naman ako doon at umupo sa isang bench. Mga ilang minuto ay tinawag niya uli ako.

"Outside there's a taxi. It will take you to the bus station. After that, you will ride the blue bus to Shine company" sabi sa akin ng babae.

"Thank you, Kamsahamnida" sabi ko naman sa kanya habang nagbabow saka tumakbo na ako papalabas.

Nakita ko na ang isang taxi na nakaparada sa harap ng hotel. Ito na siguro ang sinasabi ng babae.

Sinilip ko ang driver ng taxi, nakita ko na hinihintay niya na pala akong sumakay. Binuksan ko na ang pinto ng back seat at sumakay na doon.

Pagkasakay ko ay pinaandar na rin niya ang sasakyan at papuntan a kami ngayon sa isang bus station.

Kahit nakita ko na ang ibang mga tanawin dito, parang naninibago pa rin ako. Hindi siguro ako magsasawa na sabihin sa sarili na isang good idea ang tumakas mula sa kasakiman ng fake dad ko.

Hindi ko rin mapigilan ang kumuha ng mga pictures sa mga lugar na nadadaanan namin.

Mga ilang minuto ang nakalipas ng tumigil na ang taxi sa isang bus station.

Bumaba na ako at binayaran ang taxi na yun. Binayaran ko siya ng $90 yun kasi ang hiningi niya. Sa bagay, medyo malayo nga naman ang lugar na ito. Bale, $621 na lang ang natitira sa akin. Sana naman makaabot na ito sa Shine Company.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon