Chapter 14⇨ Traped

14 0 0
                                    

Kasandra's POV

"Bakit ang tagal mo namang lumabas sa kwarto? Kanina pa akong naghihintay dito" sabi sa akin ni daddy.... este FAKE dad pala.

Bakit naman kaya siya napunta dito? Himala yata na pinagtutuunan niya na ako ngayon ng pansin.

"Wala po kasi akong ganang lumabas ngayon" malumbay ko namang sabi sa kanya.

"Good, cause from now on, hindi ka na pwedeng lumabas ng bahay nang hindi ko alam. Lahat ng lakad mo ay dapat malaman ko at dapat ay palagi mong kasama ang bago mong nanny. Am I making myself clear?" Tanong sa akin ni fake dad.

Balak niya talaga akong makulong sa bahay na ito. Wala talagang awa ang taong ito.

Makahanap lang ako ng daan para makatas dito, sisiguraduhin kong hindi na ako babalik sa buhay na ito.

Kaya pala palagi akong pinapasaya ni nanny at sinasabihan na kalimutan ang buhay na ito. Dahil pala yun dito.

"Kasandra, I said, am I making myself clear?" Tanong uli sa akin ni fake dad.

"Opo" sagot ko naman sa kanya.

"Good, sige aalis na muna ako at marami pa akong aasikasuhin" sabi niya saka umalis na.

"Nanny, sana po, nandito na lang kayo" sabi ko naman sa sarili ko nung makaalis na si fake dad.

"Pero wala na siya ngayon kaya wag mo nang hanapin ang wala na. Ikaw rin, baka bumangon pa yun sa libingan niya" narinig kong sabi ng tagabantay ko. May sa tsismosa rin ito ano.

"Oo, at kapag bumangon yun. Una kitang ipapamulto sa kanya" sagot ko naman sa kanya sabay walk out at bumalik sa kwarto ni nanny.

Nilock ko uli yung pinto para walang ibang makapasok. Kinuha ko uli yung scrapbook sa ilalim ng sahig.

Gusto ko kasing malaman lahat ng mga nangyari sa buhay ko simula nung bata pa ako.

Gusto ko pang makilala ng husto ang sarili ko.

Hmmm! May kapatid akong kapangalan ni Jin oppa. Kim Seokjin rin ang pangalan. Hindi kaya..... pero imposible naman. Marami naman sigurong gumagamit ng pangalang Seokjin sa Korea ano.

Habang tumatagal ang pagbasa ko ng scrapbook na ito, mas lalong gusto ko nang makilala ang totoo kong pamilya.

Kaso lang papano ko naman matatakasan ang fake dad ko? Mas hinigpitan niya ang pagbabantay sa akin ngayon.

Papano ako makakatakas sa kanya na hindi nga ako pwedeng umalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kanya.

Kailangan kong mag-isip ng plano.

Naglakad-lakad ako sa loob ng kwarto habang hawak-hawak ang scrapbook para makapag-isip.

"Ay kabayo siya!!" Aray ko naman!! Hindi ko namalayan na makakabangga na pala ako sa isang upuan.

Nabitawan ko tuloy yung scrapbook.

"Kasandra? Ano yan? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong naman ng tagabantay ko. Pinipihit niya yung door knob pero hindi niya mabukasan dahil nilock ko yun.

Mabilis ko namang itinago ang scrapbook pero nung pinulot ko na yun, nakita ko na may nahulog na kapirasong papel.

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na yun naibalik pa sa scrapbook. Inilagay ko na yung scrapbook sa ilalim ng sahig at tinakpan uli ng higaan.

Yung kapirasong papel naman ay pinulot ko at ibinulsa.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon