Chapter 18⇨ Is it Her?

19 0 0
                                    

Sangmin's POV

Naghintay ako ng mga ilang minuto pagkatapos namin mag-usap ni Aboji. I prefer Aboji than Appa. Hindi pa naman ako masyadong close sa kanya kaya hindi ko pa siya pwedeng tawagin in a casual way.

"Let's go" narinig kong sabi niya sa akin. Sinabi niya na iuuwi niya raw ako para makilala ko ang mga kapatid ko.

Hindi na ako makapaghintay. Sana makilala pa nila ako. Kahit hindi ko sila masyadong kilala ay pipilitin ko pa ring alalahanin sila.

Nabasa ko sa scrapbook ni ninang Olly na ang ang pangalan ng mga kapatid ko ay Kim Seorin at Kim Seokjin. Oh, may kapatid pa akong kapangalan ng idol ko.

Could anything be more perfect than that? Excited na akong makilala sila.

Sumakay na ako sa kotse ni Aboji. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya. Hindi ko akalaing nangyayari ito ngayon sa akin.

Pakiramdam ko ay nasa cloud nine ako. Ang gaan sa pakiramdam ang makitang masaya ang papa ko.

"I already called your brother and sister, but I still haven't told them about you. Let's surprise them" sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong pag-uusap.

Hindi naman ganito makiusap sa akin ang fake dad ko. Actually hindi ko na pala siya fake dad. Magmula ngayon, Rodrigo na lang ang itatawag ko sa kanya.

Wala na siyang connections sa akin what so ever. I'll live my new life as Sangmin. Goodbye Kasandra Minerva Lopez and hello Kim Sangmin.

Nakarating na rin kami sa bahay. And pagpasok na pagpasok pa lang namin sa gate ay napanganga na ako agad.

Hindi naman masyadong malaki ang bahay, actually tamang-tama lang siya para sabihin mong mayaman ang nakatira. Ang nagpanganga lang talaga sa bibig ko ay ang lawak ng buong paligid.

Parang mas malawak pa yung lupa kasya sa bahay. Simple but Elegant, yan ang maidedescribe ko sa bahay na ito.

Nagpark na sa garadge si Aboji, at nakita ko na may tatlo pang kotse ang nakapark doon.

Bumaba na ako sa sasakyan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I feel like having butterflies in my stomach. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko.

Kinakabahan ako para mamaya, papano na lang kung hindi ako makilala ng mga kapatid ko?

Pero masaya pa rin ako dahil at last ay nakauwi na rin ako sa totoo kong pamilya.

Nakita ko na may kinuhang gamit si Aboji sa likuran, hindi ko man lang nahalata na may dala pala siya.

Nilabas na niya ito, at tinawag na ako para pumasok. Pagpasok namin ay ikinagulat ko naman ang nakita ko.

Sinalubong kami ng dalawang grand stairs at isang fountain sa gitna. Hindi ko na matukoy kung nasa Korea pa ba kami o nasa Greece.

Parang nakabalik ako sa Midieval Period. Para akong nakapasok sa isang maliit na castle. Medyo modern na nga lang.

Sunod-sunod naman ang pagsilabasan ng mga maids at servants na lalaki, pati na rin ang mga bodyguards na parang yung lalaking nakita ko kanina.

Ano'to? President ng Korea ba ang papa ko? Bakit parang maraming bodyguards? Mga ten siguro lahat ng bodyguards dito.

"Annyeonghaseyo, Sangminssi" sabay-sabay nilang bati sa akin habang sabay-sabay ding nagbow.

Nagulat ako sa ginawa nilang lahat. Hindi ko akalain na kilala na pala nila ako. Nagbow din ako in response.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon