Chapter 8⇨ Exam Results

27 0 0
                                    

Olly's POV

Kamusta kaya ang kalalabasan ng test ngayon ni Sami? Hindi naman ako nag-aalala sa kalalabasan. I'm positive na maipapasa niya ang exams niya ngayon.

Matalinong bata yan si Sami. Simula nung elementary siya, palagi na siya nakakakuha ng mga medals at honor student din siya.

Pero nung malaman niya na may ibang pamilya ang daddy niya at madalang nang umuwi dito, doon na nagsimulang magtamad-tamaran si Sami sa pag-aral.

Buti na lang at nakagawa ako ng paraan para maibalik ang sigla niya sa pag-aaral. Kahit alam kong baka maspoil ko siya dahil sa mga sunod sa layaw ko sa kanya. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para magseryoso uli siya sa pag-aaral niya.

I'm sure, in no time, magiging honor student uli siya.

Oh Soojin, if only you could see your daughter right now. She's becoming a fine lady. Medyo makalat nga lang, hihihi....

Inilabas ko mula sa secret chest ko ang isang scrapbook. Actually, isa itong diary, pero dito ko rin kasi inilagay ang mga pictures namin ni Soojin nung magkasama pa kami sa Korea.

Itinago ko ang mga ito mula kay Rodrigo, dahil alam kong sisirain niya ito kung sakaling malaman niya na may tinatago akong picture ni Soojin.

Dito nakasulat lahat ng mga sekreto na hindi dapat malaman ni Sami. Pero isinulat ko ang mga ito hindi para itago kay Sami.

Pagdating ng tamang panahon, ay ibibigay ko ito sa kanya. Hindi ko kayang magtago ng sekreto sa isang bata na itinuring ko nang anak.

Saka ito naman talaga ang dahilan ko kung bakit ako nagmakaawa kay Rodrigo na ako na lang ang magpalaki sa bata. Para protektahan si Sami at ipaalam sa kanya ang buong katotohanan. Ito ang bagay na hindi alam ni Rodrigo.

Mayroon din ako ditong litrato ng ama ni Sami, ang totoo niyang ama. Hindi naman talaga anak ni Rodrigo si Sami, kaya nga ni katiting na pagmamahal at pagmamalasakit ay hindi niya maibigay sa bata.

Isa ring Koreano ang kanyang totoong ama. Hindi ko nga alam kung papanong hindi man lang nagtataka si Sami na hindi niya kamukha ang daddy niya at wala siyang ni isang features ng pagiging Filipina. Pusong Filipina oo, pero yung physical ay hindi mo masasabing may dugong Filipina.

Tinatago ko lang ang scrapbook na ito sa isang maliit na baol sa ilalim ng sahig na nasa ilalim din ng kama ko. Tinatakpan ko ito ng isang makapal na rug para hindi mahalata na may maliit na pinto sa ilalim.

Darating din ang panahon na malalaman niya ang totoo Rodrigo, hindi mo mapipigilan ang tadhana ng batang ito. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko para maibalik lang ang batang ito sa pamilya niya.

"Aaaaaahhhhhh!!!!!!! Nannnnnyyyy!!!! Cooommee quick!!!" Narinig kong sigaw ni Sami sa baba.

Nakarating na pala siya, kaya mabilis ko namang ibinalik ang scrapbook sa kinalalagyan niya. Pagkatapos kong ibalik lahat sa dati ay bumaba na rin ako sa sala, doon kasi nanggagaling ang boses ni Sami na hindi mapakali.

Ano naman kaya ang nangyari sa batang ito?

"Ano?! May nangyari ba? May nanakit ba sa'yo? Ano?! Sabihin mo!! Anong nangyari?!" Tarantang tanong ko naman sa kanya. Kulang na lang kasi bulabugin niya ang buong baranggay sa sigaw niya.

"OA naman ni nanny. Walang masakit sa akin" sabi niya naman. Akala ko naman may nangyari na sa kanya.

Ang bata talagang ito, hindi mo na malaman kung ano ang tumatakbo sa isip.

"Eh bakit ka naman nagsisisigaw dyan na parang may sunog sa bahay?" Sabi ko naman sa kanya.

"Kaaassssiiiii..... chajan!!" Sabi niya sabay pakita sa akin ang mga test results niya.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon