Sangmin's POV
Maaga kaming umuwi ngayon ni Jin oppa. Nagpumilit na siyang umalis kahit hindi pa naman tapos ang party nila.
Bakit naman kaya? Gusto ko pa sanang mag-enjoy pero hindi ko naman pwedeng suwayin ang Oppa ko.
☆Flash Back☆
"Hoy! Kang Jiro!! Bastos na ito! May sasabihin pa ako!!" Sigaw ko habang hinahabol siya papasok.
Iniwan niya kasi ako sa terrace, eh may itatanong pa naman ako sa kanya. Bastos naman ng taong ito.
"Yah!! Kang Jiro!!" Sigaw ako ng sigaw pero hindi na niya ako pinansin pa. Hinawakan ko ang balikat niya para makuha ang atensyon niya.
Humarap naman siya sa akin pero nagulat ako nung makita ang kakaibang expression ng mukha niya. Parang malungkot na may tinatago. Then suddenly, that expression changed.
"Don't forget that your still my slave. Sinabi ko lang yun na palusot kanina dahil kay Jin hyung pero sa totoo ay slave pa rin kita kaya dapat hindi ganyan ang inaalas mo sa akin" sabi niya habang nakangisi na parang baliw.
Bipolar din ang taong ito. Malungkot pa lang ang itsura kanina tapos ngayon, kung makangisi ay parang wala nang bukas.
Magwowalk out na naman sana siya pero hindi pa siya tuluyang nakakaalis nung bumalik siya sa harapan ko.
Akala ko kung ano ang gagawin niya. Nagulat naman ako nung bigla na lang niya inilahad sa akin ang cellphone niya.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha naman ang cellphone na yun mula sa kamay niya.
"Try mong kainin, o kaya ay itapon mo" pambabara niya naman sa akin. Kainis din ang lalaking ito.
Aktong ihahagis ko na sana ang cellphone niya nung bigla niya akong pigilan. Eh yun naman kasi ang pinapagawa niya di ba.
"Ikaw naman, parang hindi na mabiro. Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang cellphone na ito? Isang buwan ako nitong nag hunger strike sa magulang ko para lang maibili ko ito" mahabang paliwanag niya sa akin.
"Ano nga kasi ang gagawin ko dito?" Tanong ko uli sa kanya.
"Isave mo ang number mo dyan. Para kapag kailangan ko ang service mo ay madali kitang matawagan" sabi niya sa akin. Yun lang naman pala.
Palusot pa siya, magpapaliwanag pa siya ng pagkahaba eh gusto lang pala niyang makuha ang number ko.
Ginawa ko na lang ang kung ano ang gusto niya. Baka gumawa pa siya ng iskandalo dito kung hindi ko yun gawin. Best actor pa naman ang lalaking ito. Best konrta bida sa buhay ko.
Pagkatapos kong isave ang number ko ay ibinigay ko uli sa kanya ang cellphone niya kaya bumalik na siya sa iba.
Susunod na sana ako pero narinig kong tinawag ako ni Jin oppa. Lumapit naman ako sa kanya para malaman kung bakit niya ako tinawag.
"Let's go home. I'm tired and I want to rest" sabi niya sa akin.
"But, the party is not done yet" sagot ko naman sa kanya.
"I already told the manager that I will be taking a rest for today. I told the group that we are leaving to have our own quality time at home" paliwanag sa akin ni Jin oppa.
"Okay, I'll just bid them goodbye" sabi ko sa kanya saka pumunta sa living room para magpaalam.
☆End of Flash Back☆
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...