Sangmin's POV
Halos mag-tatatlong linggo na akong naka confine sa hospital. Medyo bumalik na rin ang pandinig ko kaya hindi na kailangan pang gamitin ko yung ballpen at notebook.
Most of the time ay si Seorin eonni lang ang kasama ko sa kwarto ko. Palagi kasing busy si Aboji at Jin oppa.
Pero pakiramdam ko, mag-isa pa rin ako kahit kasama ko naman ang Ate ko. Para lang kasi siyang picture na hindi ko man lang makusap.Kung sakaling kailangan ko naman ng kahit na ano, ay mga sampung beses ko muna yung sasabihin sa kanya bago niya yun kunin para sa akin.
Nakita ko na pumasok si Aboji sa kwarto ko. Maaga yata siyang bumalik ngayon. Kadalasan kasi, gabi na siya dumarating. Ngayon naman, hapon pa lang ay nandito na siya.
"Sangmin, How are you?" He asked. He put some of his things down then walked towards me to check if I'm fine.
"She's fine Appa. The doctor said that she's a lot better now" Seorin eonni explained. She's always kind when Aboji is around.
"Is that so... well then, I'll ask the doctor when will you be out" sabi naman ni Aboji saka umalis uli para kausapin ata ang doctor.
Pagkaalis naman ni Aboji ay nagkatinginan kaming dalawa ni Seorin eonni. Nginitian ko siya pero dedma lang siya sa akin.
☆After 3 days☆
Sa wakas ay nakauwi na rin ako. Ngayong araw na kasi kami nakalabas ng hospital.
Inakay na ako ni Seorin eonni papunta sa kwarto ko. Medyo mahina pa kasi ang tuhod ko. Nasanay na lang na palaging nakaupo o kaya'y naka higa sa hospital.
"Seorin, take extra careful. Sangmin is still weak" sabi ni Aboji sa kanya.
"Neh, Appa" sagot naman ni Seorin eonni na para bang napakabait na tao.
Pagkarating namin ni Seorin eonni sa kwarto ko ay bigla niya na lang akong binitawan. Buti na lang at hindi niya ako ibinagsak sa sahig.
"Finally, your now at home. My burden will now be lessen" sabi niya sa akin in an annoyed tone.
Pagkatapos niyang magsalita ay lumabas na siya sa kwarto ko. Ako naman ay naiwan na sa loob.
Paminsan ay nakakalito rin kung ano ba talaga ang gusto ni Seorin eonni. Palagi siyang nasa hospital nung naka confine ako doon, pero wala naman talaga siyang pakialam sa akin.
Sa tingin ko ay pakitang tao lang ang ginagawa niya. Nagiging mabait lang naman siya sa akin kapag nakatingin si Aboji. Pero sa totoo ay wala naman talaga siyang pakialam.
Teka, bakit naman siya ang iniisip ko? Eh wala nga pala siyang pakialam sa akin. Humiga na lang ako sa higaan ko at nagpahinga, para hindi ko na rin isipin ang Ate kong walang pakialam.
☆Kinaumagahan☆
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Gising na gising na ako pero wala akong ganang bumangon.
Nasanay lang siguro ang katawan ko na palaging nakahiga sa higaan nung nasa hospital pa ako.
Wala naman akong kailangang gawin dito sa bahay. Hindi naman ako nag-aaral, kaya okay lang na magpatanghali na ako ng pagbangon.
Ilang araw ko nang hindi nakikita ngayon si Jin oppa. Hindi man lang siya bumisita sa akin sa hospital. Siguro busy lang talaga sila ngayon.
Maya-maya pa ay bumangon na ako sa higaan. Hindi ko naman kasi kayang hayaan na lang ang sarili ko na maghapong nakahiga.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nakita ko yung damit na dapat kong isusuot sa araw ng pagpunta namin ni Jin oppa sa Big Hit Company para makilala ang BTS.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...