Chapter 44⇨ Mysterious

16 1 0
                                    

Sangmin's POV

Hinatid ko na si Eonni sa kwarto niya. Pinaupo ko na siya sa kama niya at kumuha ako ng mga damit na pwede niyang pang palit.

"Eonni, do you really have to do that?" Tanong ko sa kanya. Alam kong naiirita din siya sa babaeng yun pero kailangan niya pa ba talagang maging prangka sa babaeng yun?

"Sami, I know that you feel the same way about this. And besides, if they really are a couple or they are dating, they should tell us. We're Oppa's sisters, we should at least know" pagpapaliwanag sa akin ni Eonni.

"Okay, if you say so" yun na lang ang naisagot ko sa kanya habang inilalahad sa kanya ang damit na nakuha ko.

Kinuha niya naman yun at pumunta na sa cr para magpalit ng damit. Humiga na muna ako sa higgan ni Eonni habang naghihintay sa kanya.

Napag-isip-isip ko na tama naman ang sinabi ni Eonni, na kailangan din namin malaman. I mean, close naman kaming magkakapatid kaya bakit kailangang ilihim ni Oppa kung may relasyon nga sila ng babaeng yun.

Pagkatapos magbihis ni Eonni ay lumabas naman ako para magpabili ng medicine para sa hang over niya. Alam kong mamaya lang ay sasakit ng sobra ang katawan at ulo niya. Yan naman talaga ang mga nangyayari sa mga naglalasing.

Bakit kaya naglasing si Eonni? Siguro nagbreak up na sila ng current boyfriend niya ngayon. Alam kong nasasaktan din siya sa lahat ng break ups pero hindi niya pinapahalata at hindi niya na lang dinaramdam.

Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko naman si Oppa na papasok sana ng kwarto ni Eonni.

"She's asleep, Oppa" pagpapahayag ko para hindi na siya pumasok pa. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya hindi na siya pumasok.

"Where is Jisangssi?" Tanong ko sa kanya habang bumababa kami ng hagdan.

"She left, she said she had something to do" sagot naman sa akin ni Oppa. Gusto ko sanang magtanong pero baka magalit sa akin si Oppa.

"Why aren't you asking me?" Bigla na lang na tanong ni Oppa. Napatigil naman ako dahil doon. Siguro nakukutuban niya na may gusto akong sabihin sa kanya.

"What kind of question do you want me to ask?" Sagot ko naman na isa ring tanong.

"Well, what is it that you want to know? You can ask me anything" sabi niya. Kaya bago ko man itanong ang gusto kong itanong ay huminga muna ako ng malalim.

"Are you and Jisangssi really dating?" Marahan kong tanong sa kanya. Napatigil siya sa tanong kong yun. Akala ko ay hindi niya yun sasagutin dahil naglakad na siya papunta sa living room.

Nagulat ako nang tawagin niya at pinaupo ako sa tabi niya. Sinunod ko naman siya. Pagkatapos nun ay nagsalita na siya.

"Yes, Jisang and I are dating. Since the last part of our shoot in Japan" sagot sa akin ni Jin oppa.

"Why didn't you tell us?" Tanong ko uli sa kanya pero ngayon parang kakaiba na ang tono ng pananalita ko pero hindi pa naman ako sumisigaw.

"I was about to but Seorin already asked her question. I'm sorry that you had to know that kind of thing in that way" sabi ni Oppa.

"It's okay... Oppa, I almost forgot, Eonni will need medicine to remove her hang over when she wake up" pagpapalit ko ng topic. Hindi ko alam pero parang ayaw ko nang makarinig ng mga sinasabi niya.

Nagtawag si Oppa ng isa sa mga guard namin sa loob at inutusang bumili ng gamot. Ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko, naramdaman kong parang tatawagin pa sana ako ni Oppa pero tumakbo na ako sa kwarto ko bago niya pa yun magawa.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon