3rd Person's POV
★Krrrriiiiinnnnggggg★
Nagsilabasan na ang mga estudyante ng University ni Seorin. Maraming estudyante na ngayon ang papalabas ng gate.
Sa labas ng gate naghihintay ang isang reporter. Nakita niya ang isang estudyante at mabilis pa sa alas kwatro niya itong nilapitan para magtanong.
"Excuse me hakseng, do you know this girl?" Tanong ng reporter habang ipinapakita niya sa babae yung larawan ni Sangmin.
"No, I don't know her" sagot naman ng estudyante habang masuring tinitingnan ang larawan.
"Look a little closer, maybe you've seen her. She's also studying in this school" pagpupumilit ng reporter.
"That's impossible, there is no student here that looks like her. I haven't seen a student here that looks like her" sagot uli ng estudyante sa kanya bago ito umalis.
Nagtanong pa ang reporter sa ibang mga estudyante na papalabas, pero yun pa rin ang nakuha niyang sagot. Marami na siyang napagtanungan pero lahat ng yun ay hindi kilala ang babae sa larawan.
"Seorin gave us the wrong information. This girl is not her classmate. The girl does not even go to this school" sabi ng pagod na reporter bago siya umalis ng university na wala man lang na dalang scope.
Sumakay na siya sa kotse niya at nagdrive na papaalis. Habang nagdadrive siya papaalis, inisip niya na baka oras na para sumuko na siya dahil sa pagod.
(⊙o⊙)
Nakita niya si Sangmin na sumasakay sa sasakyan ng isang lalaki. Galing silang dalawa ngayon sa paaralan na pinapasukan ni Sangmin. Nakilala niya agad ang mukha ni Sangmin dahil sa kanina pa niya ito tinititigan.
"Ohhohoh, fate is still siding on me" sabi niya habang nakangiting sinusundan ang kotse ng dalawa. Pero dahil sa bilis ng kotse ay nawala siya sa pagbubuntot sa dalawa.
Sangmin's POV
Buti na lang at walang lumabas na balita tungkol sa nangyari kahapon. Sana naman wala na nga talagang lumabas na balita tungkol doon.
★Krrriiiinnnnggg★
At last, nagring din ang bell. Ibig sabihin ay uwian na kami. Wala ngayon si Jiro kaya walang masyadong nanggugulo sa akin. Ano kaya ang nangyari sa hunghang na yun?
Lumabas na ako ng classroom at pupunta na sana ng parking lot para hintayin ang magsusundo sa akin pero narinig ko ang boses ni Chanseol.
"Sangmin, do you have anything to do today?" Tanong niya sa akin.
"Not that I know of, why?" Sagot ko naman sa kanya habang naglalakad pa rin papuntang parking lot.
"Uhm, do you want to-" naputol yung sasabihin niya nung may isang tao na humarang sa amin. Tinitigan ko ang taong yun.
Naka hoodie siya at mask kaya hindi namin siya nakikilala. Sino naman ang lalaking ito? Tinitigan ko siya ng mabuti at saka lang nag sink in sa isip ko kung sino ang taong ito.
Si Tae oppa pala ang lalaking ito. Bakit naman siya nandito? Ano ang ginagawa niya dito? Kasama niya kaya si oppa?
"Tae oppa" bulong ko naman para siguraduhing siya nga yun. Tumango naman siya pagkatapos ay hinila na niya ako papunta sa kotse niya. Naiwan tuloy si Chanseol doon.
"Where are we going?" Tanong ko kay Tae oppa. Basta na lang kasi niya akong pinapasok sa kotse niya. Papano na lang kung hanapin ako ng susundo sa akin.
Hindi lang siya nagsalita at patuloy lang sa pagdadrive. Galit ba siya? Ang siryoso kasi ng mukha niya, pero parang hindi naman, hindi lang siguro ako sanay.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanficKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...