Chapter 22⇨ Muntikan Na!

25 0 0
                                    

Sangmin's POV

Maghapon kaming magkasama ni Jin oppa sa kwarto ko. Binantayan niya ako hanggang sa maging okay na ang pakiramdam ko.

Ang babaduy ng mga dad jokes niya pero kapag tumatawa na siya ay napapatawa na rin ako.

"Looks like you guys are getting along well" narinig namin ang boses ni Aboji.

Kanina pa pala siya nasa pinto ng kwarto ko. Hindi lang namin namalayan ni Oppa dahil busy kaming dalawa sa kakatawa.

"Neh Aboji, I realized that Sangmin and I have so much in common" sagot naman ni Jin oppa kay Aboji.

Biglang gumaan ang loob ko nung marinig ko yun mula kay Oppa. Ngayon ko lang naramdaman yung pakiramdam na parang may pamilya ka.

Masaya ako dahil nagiging close na kami no Jin oppa. Ngayon ko lang hinangad na sana ako talaga ang Sangmin na hinahanap nila.

Ang saya sigurong mapabilang sa pamilya nila. Sa pamilya ng idol ko.

Pagkatapos naming mag-usap nila Aboji ay umalis naman siya para balikan ang business nila. Bumalik lang naman daw siya to check on me.

Si Jin oppa naman ay pinatawag ng grupo niya dahil may gagawin daw sila ngayon. Ang busy naman nila.

Pero bago umalis si Oppa ay nangako siya sa akin na bukas daw ay isasama niya ako para makilala ang BTS.

I can't wait till tomorrow. Gusto ko na silang makilala nang personal. This will be an Army dream come true. Ano kaya ang idadamit ko bukas?

Hinalughog ko ang closet ko para tingnan kung ano ang pwede kong idamit. Ano kaya kung yung personalized shirt ko na lang ng BTS.

Pero baka mapagkamalan akong stalker sa company kung yun ang isusuot ko. Ito na lang na denim reap jeans at oversized pink shirt na may piggy design.

Nilagay ko na ang damit na yun sa isang hanger at inilagay sa part ng closet kung saan madali ko lang makukuha.

★Glub glub glub★

Narinig ko na ang pag-aaburido ng tyan ko. Gutom na uli ako, nagutom ako kakatawa sa mga kabaduyan ni Jin oppa.

Bumaba na ako ng hagdan at pumunta ng dining area. Medyo hindi na rin masakit ang paa ko kaya nakakapaglakad na rin ako nang maayos.

Nakita ako ng isang maid na umupo sa upuan ko. Binigyan niya ako ng pagpipilian kung ano ang gusto kong kainin. Wow! Nasa restaurant lang ang peg ng lola niyo!

Pero wala dito ang hinahanap ng tiyan ko. Parang gusto kong kumain ng chips lang. Binigay ko na sa kanya yung pilian at pinahiwatig na bibili na lang ako.

Kaso lang, wala naman akong pera. Papano ako nito makakabili ng pagkain? Eh kung humingi na lang ako kay Seorin eonni. Kaso lang malabo naman sigurong bigyan ako nun ng pera, wala naman yung pakialam sa akin.

★tweet tweet★

Narinig kong tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko yun mula sa bulsa ko at nakitang nagtxt pala si Aboji.

∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽
(                                                            )
( From: Aboji                                     )
(                                                            )
( If ever you need to buy               )
( something, I left you a credit     )
( card at your drawer in your      )
( room.                                                )
(                                                            )
∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽◐∽

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon