Kasandra's POV
One week na simula nung ilibing si nanny. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Nahihirapan din akong mag-adjust sa mga pagbabago sa bahay.
Naghire uli si daddy ng isa pang magbabantay sa akin. Sabi ni dad, siya daw ang magiging bagong nanny ko pero hindi ko tinatawag na nanny yun. Ayaw kong tawagin ng ganun ang mga taong hindi ko naman kilala .
Iisa lang ang nanny ko at hindi ko pwedeng tawagin ang ibang taong nanny dahil hindi naman sila si nanny eh. Walang makakapalit o makakapantay man lang sa nanny ko.
Nakakainis din ang bagong tagabantay na yun. Lahat na lang na igagalaw ko ay kailangang alam niya. Hindi naman ganun sa akin si nanny.
Si nanny hinahayaan lang ako sa mga bagay na gusto ko at makakabuti sa akin. Hindi niya ako kinukulong at hindi niya ako pinipilit na gawin ang isang bagay na ayaw kong gawin.
Halos, gabi-gabi akong umiiyak. Ang tanging nakakapag patulog sa akin ay yung music box ni nanny. Kapag naririnig ko ang lullaby nun, nararamdaman kong yakap-yakap ako ni nanny.
Hindi ko pinapagalaw sa kahit kanino ang kwarto ni nanny. Wala akong ibang pinapapasok doon, kahit si daddy ay hindi ko doon pinapapasok. Ako lang ang nakakapasok doon dahil nasa akin ang susi.
Kapag wala akong magawa ay nagkukulong ako sa kwarto ni nanny. Pakiramdam ko kasi ito na lang ang tanging lugar dito sa bahay na hindi pa rin nagbabago.
Lahat na kasi ng bagay sa bahay ay binago na ng bago kong tagabantay. Feeling niya naman sa kanya ang bahay na ito. Bahala siya sa buhay niya, basta wag niya lang pakialaman ang mga gamit ko at gamit ni nanny.
Nasa loob ako ngayon ng kwarto ni nanny at wala akong pinapapasok na kahit sino. Humiga ako sa higaan niya at nakinig sa lullaby ng music box.
Hindi ko namalayan na inaantok na pala ako. Bigla kong nabitawan ang music box kaya napunta ito sa ilalim ng kama. Nagising uli ako kaya tumayo ako para kunin yung music box sa ilalim.
Kaso lang masyadong malalim yung napuntahan ng music box kaya hindi ko maabot. Itinabi ko na muna yung kama ni nanny para makuha ko sa ilalim yung music box.
Nakita ko na may rug sa ilalim ng kama ni nanny. Bakit naman kaya siya maglalagay ng rug dito? At mukhang ang dumi-dumi na. Palabhan ko kaya ito mamaya.
Kinuha ko ang maalikabok na rug na yun at inilapag sa tabi para palabhan mamaya. Hinanap ko uli yung music box ko. Aha!! Andito ka lang pala.
Kukunin ko na sana yung music box ko pero may nahalata ako sa sahig ni nanny. Parang mayroong crack na square.
Ay hindi, isa pala yung maliit na pinto. May tinatago ba dito si nanny? Dahan-dahan ko yung binuksan at nakita ang isang makapal na scrapbook.
Mahilig din pala si nanny sa mga scrapbook. Matingnan nga.
Teka, baka mapagalitan ako ni nanny. Private thing niya ito eh. Pero papano kung last will and testament niya ito. Hay ewan, nanny magpapaalam na lang po ako sa'yo na payagang galawin ang gamit mo.
Dahan-dahan kong binuksan ang scrapbook na yun. Nung una ay nakapikit pa ako, pero nung nabuksan ko na, unti-unti ko nang iminulat ang mga mata ko.
Unang-una kong nakita ang picture ni nanny nung kabataan pa niya. May katabi siyang isang babaeng Koreana. Base sa background nila ay nasa isang studio sila. Dito siguro nagtrabaho noon si nanny. Isa kasi siyang singer, pero hindi naman talaga siya nagpasikat sa Korea.
Back up singer lang siya sa isang studio. Mayroon din siyang mga single pero hindi niya naman yun pinarelease. Gusto niya lang talaga ng music and hindi niya yun ginawa para sa pera. Ginawa niya yun dahil gusto niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...