Kasandra's POV
Ngayong araw na ang exams namin. Sana naman makapasa ako dito. Gusto ko nang mahawakan yung tick—
"If your studying just for that, better not study at all"
Ano ba yan!! Nakokonsensya tuloy ako sa ginagawa kong ito. Bakit? Masama ba na magsipag dahil may hinahangad kang isang bagay?
Hay kalma Sami.... kalma lang.... isipin mo na lang na para sa ikakabuti mo ang pagpasa sa exam na ito. Wag mo na munang isipin ang ticket na yun.
"Okay class, ilagay na ang inyong mga bag sa unahan. At mga cellphones dito sa table ko" sabi sa amin ni sir. Palagi naman kaming ganito kapag may exams.
Para daw maiwasan ang mga pandadaya. Pero hindi naman talaga yun maiiwasan, dahil ang mga estudyante ngayon, gagawin at gagawin pa rin ang makakaya para makapangopya.
I should know cause I've been— nevermind.
Dinistribute na ni sir ang mga test papers, hindi ko naman naiintindihan ang mga nakasulat dito. Hindi ito ang mga nireview ko.
Patay!! Hindi ako pwedeng bumagsak. Ano na ang gagawin ko????? Kailangan kong pumasa!!
Pwede kayang.... (lumingon ako ng kaunti sa papel ng katabi ko) >o<
No! No! No!!! Hindi ka mandadaya sa exam na ito Sami. Matalino ka, at hindi lang sa results ng test makikita ang katalinuhan mo.
Tiningnan ko uli yung test paper ko. At sa laking gulat ko, kaya pala hindi ko maintindihan, dahil baliktad yung test paper ko. Wag ka muna kasing mataranta Sami!! Kitams... hindi mo tuloy namalayan na baliktad ang hawak mong papel.
Stupidity over comes you again, Sami!!
Nagsimula na akong mag-answer ng test paper. Hindi naman pala mahirap ang test eh. Sisiw lang 'to...
"Psst...... pssst....." ano naman yun? Bakit parang may naninitsit sa akin. Lumingon ako sa paligid ko nakita ko naman na may isa akong classmate na tinatawag ako.
Tinitigan ko ang taong yun. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin?
Nakita ko na wala pang answer ang test paper niya. Anong gusto niya, ako ang sumagot niyan? Wala ba siyang sariling pag-iisip? Hmhp.... napapansin lang ako kapag may kailangan siya...
Pwes, hindi ko sasayangin ang sarili kong talino para lang matulungan sila. Selfish na kung selfish, pero kailangan nilang magtanda. Grabe sila kung makapag sungit sa akin tapos ngayon hihingi sila ng tulong.
Nakita ko na tinaas niya ang fist niya sign na matatamaan ako sa kanya kung hindi ko ibigay ang answer ko. Manigas siya, hindi ko ibibigay ang answer ko.
Bumalik na ako sa pag-answer sa papel ko. Saan na nga ako? Ah... dito pala. Istorbo kasi yung—
"Awwwchhh!!!!" May nambato sa akin ng isang papel? Teka, bakit mabigat ang papel na ito?
"Anong problema dyan? Ms. Lopez! Ano yan?" Tanong sa akin ni sir.
Kinuha ko yung crumpled paper at naramdaman kong may laman pala yun. Dahan-dahan ko yun binuksan at nakita ang isang bato na nababalot nun.
Sino naman kaya ang phsyco na nambato nito sa akin?!
Naramdaman ko na nasa tabi ko na si sir. Nakita ko naman na may nakasulat sa papel. Teka, answer sheet ito ah!!
"Ms. Lopez, are you cheating?!" Tanong sa akin ni sir. Ako mandadaya?! Kung tama nga ang answer dito, oo mandadaya nga ako. Pero kitang-kita naman na mali ang answer dito.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...