Chunyeong's POV
I just came back from the Philippines. I still can't get over from my extra ordinary experience back there. I hope I'll do the same thing here in South Korea.
I just met Sangmin noona. She kinda reminds me about Scarlet noona. She is my Filipina cousin. Sila ang tinulungan ko back at the Philippines.
They gave me a great adventure and sana ay maranasan ko uli yun. It was a great time for me. Sana nga hindi na lang yun natapos. Kaso lang kailangan talaga may ending ang lahat ng story.
Anyway, I'm hoping na may adventure pa rin ako dito sa South Korea. Nakita ko kanina si Sangmin noona at parang she could be the person that can give me that.
Parang kailangan niya ng tulong ko of some sorts. I can feel it with just the look in her eyes. Parang may gusto rin kasi siyang malaman nung tinanong niya ako.
"Uh, Chuny... may... uh, never mind" sabi ni Sangmin noona kanina. See, mayroon talaga siyang gustong sabihin pero hindi niya magawa. Hmm... malalaman ko rin yan.
Sangmin's POV
Ano ka ba Sangmin, dadamayin mo pa talaga ang bata sa problema mo. Hindi ka na naman nag-iisip ng tama. Matalino nga si Chuny pero hindi maaalis doon na bata pa siya.
Baka ikaw pa ang managot kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi mo na naman iniisip ang kapakanan ng iba. Kayanin mo ng mag-isa ang problema mo. Malaki ka na kaya dapat ikaw na mismo ang maghanap ng solusyon.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na sina Minsoo dahil baka hanapin pa sila ng Mommy ni Chuny.
Pagkaalis nila ay bumalik na rin ako sa kwarto ko para mag-aral. Bubuksan ko pa lang ang una kong libro nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Ano ba ito! Talagang ayaw nilang mag-aral ako. Palagi na lang may pumipigil. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag na yun at nakita ko na si Jin oppa pala.
Sinagot ko naman ang tawag na yun.
"Hello, Oppa" pagsagot ko naman sa kanya.
"Sangmin, we don't have any schedule tomorrow. I was thinking, you haven't been at the Amusement Park yet, right?" Sabi sa akin ni Oppa.
"No I haven't. Why?" sagot ko naman sa kanya.
"Great! And don't forget to tell Seorin also. I'm sure she'll be jealous if we left her out again. So, tomorrow I'll pick the both of you at 7, okay?" sabi ni Jin oppa. Napangiti naman ako sa sinabing yun ni Oppa. So ibig sabihin nito ay pupunta kami sa Amusement Park?
Buti naman at may free time pa rin siya. Makakapag sibling bonding pa kaming tatlo sa Amusement Park.
"Okay... I won't forget... bye Oppa" yun na lang ang nasabi ko bago ko ibinaba ang tawag. Naexcite na kasi ako.
Pagkatapos kong ibaba ang tawag ni Oppa ay tumakbo naman ako papunta sa kwarto ni Eonni. Alam kong matutuwa rin siya sa sasabihin ko sa kanya.
"Eonni! I have an important news! So important that it will make you very happy" sabi ko sa kanya nang makita ko siyang naka upo lang sa kama niya.
Hindi niya ako masyadong narinig dahil naka earphones pala siya. Ang Ate ko talagang ito. Kung hindi lalaki ang inaatupag, music naman ang kinababaliwan."What was it again Sami?" Tanong niya sa akin.
"Oppa is taking us out tomorrow. He said that he'll be here tomorrow at 7 to pick us up. You better be ready Eonni, tomorrow will be the best day ever" sabi ko sa kanya habang naglalakad ako at umupo sa tabi ng higaan niya.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
Fiksi PenggemarKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...