Kasandra's POV
★Kriiiiiiiiing kriiiiiiiing★
( ^)o(^ )!!
"Good morning Philippines!!!!" Pagbati ko sa umaga. Ngayong araw na ang concert ng mga oppa ko.
Ilang oras na lang at magtatagpo na ang mga landas namin!!! Ahihihihi!!! I can't wait!!
Bumangon na ako sa higaan ko at ginawa na ang morning routine ko. Sinigurado kong double, extra triple mabango ako ngayon. Syempre, makikita ko kasi ngayon ang mga oppa ko.
Nagbihis na ako at sinuot ang pinili kong big sized t-shirt na pinasadya ko pa ang pagpapaprint ng mga designs, denim short na 5 inch above the knee, at white sport shoes.
Inayos ko rin into a messy bun ang buhok ko. Cute kasi yun tingnan sa style ko. I also applied a light make up on, yung pampabloom lang ng mukha. Hindi naman yung sobra nang kapal na tulad sa mga babae sa ermita. Then I put prefume on, para extra mabango talaga.
Nang satisfied na ako sa style ko, lumabas na ako ng kwarto. Bumaba na ako para mag-agahan.
"Oh, bakit parang bihis na bihis ka yata" tanong ni nanny sa akin. Si nanny talaga, makakalimutin na.
"Ngayong araw na po nanny ang concert ng BTS. Kailangan kong maghanda. You can never be too prepared" sabi ko sa kanya.
"Di ba mamaya pa yun, ang aga mo namang magbihis" sabi niya sa akin.
"Kailangan ko nang pumunta doon ngayon nanny, kung mamaya pa, baka madami nang tao. Ayaw mo naman akong nakikipagsiksikan di ba" paliwanag ko naman sa kanya.
"Oh sya, mag-iingat ka doon ha" pagpapaalala uli sa akin ni nanny.
"Opo, I won't forget" sagot ko naman sa kanya.
Kumain na ako ng marami, alam ko kasing magugutom ako sa doon kahit magdala pa ako ng snack.
Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang mga hinanda kong gamit para sa mga oppa ko.
Nilagay ko ang mga yun sa maliit kong backpack. Sana tanggapin nila ang mga ginawa kong ito para sa kanila.
Actually, the reason why palagi akong late matulog, ay dahil sa mga ito. Gumagawa ako ng pwede kong maibigay sa mga oppa ko, kung sakaling magfan meet sila.
Pero quiet lang kayo huh. Wag niyong sasabihin kay nanny. Lagot kasi ako kapag nalaman niya na inuuna ko ang mga ito kaysa sa pag-aaral. Fast learner naman kasi ako sa lesson namin kaya madali na lang para sa akin ang magreview.
Lumabas na ako sa kwarto ko, pero bago ako lumabas, nagone last look muna ako sa salamin, just to make sure na hindi pa ako hagard.
"Oh mag-iingat ka doon ha!!" Huling habilin sa akin ni nanny, nung makita niya akong papalabas na. Tumigil muna ako at binigyan siya ng power hug bago ako umalis.
Nakita ko na ang kotse namin sa labas at sumakay na doon.
"Saan po tayo ngayon miss?" Tanong sa akin ni manong driver.
"Sa ******* po manong. And please hurry, hinihintay na kasi ako ng mga oppa ko" sabi ko sa kanya. Kaya pinaharurot niya naman ang sasakyan.
☆After 30 min☆
"OMGieeeee!!!! Omo!! Nakikita ko na!! Nakikita ko na sila!!!"
"Uh.... miss, nasa parking lot pa lang po tayo"
(⊙⊙)
"Ahihi.... alam ko naman po manong, sakyan niyo na lang po ako" sabi ko naman kay manong driver. Hindi man lang sinabayan ang kabaliwan ko.

BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...