Chapter 43⇨ I'm Home! with Her...

13 0 0
                                    

Sangmin's POV

Nakalipas na ang isang buwan at hinihintay ko na lang ang tawag ni Jin oppa kung kailan ang lipad nila papauwi, pero wala pa rin akong natatanggap na tawag.

Palagi akong nanonood ng show nilang yun. Ang ganda ng show pero hindi ko lang talaga maintindihan ang babaeng ipinipair kay Oppa.

Kailangan ba talagang palagi siyang nakangiti kapag nakaharap kay Oppa? At tyaka hindi na maalis-alis ang tingin niya kay Oppa.

Si Jin oppa naman ay nagpapagaboy lang. Hindi niya ba nakikita na fake naman ang ngiti ng babaeng ito. Hindi naman sa sinisiraan ko ang babaeng ito pero yun lang talaga ang nakikita ko sa kanya.

"Eonni, did oppa call you already? When will he be home?" Pagtatanong ko kay Seorin eonni. Hindi pa kasi tumatawag sa akin si Oppa, baka kay Eonni ay tumawag na.

"No, not yet. Don't worry Sami, sometimes Oppa forgets to call when he's on his way home. He'll get here, just wait" sagot sa akin ni Eonni saka umalis na. Baka may date na naman siya ngayon.

Umupo ako sa sofa at patuloy na naghintay. Hindi lang talaga ako mapakali, at baka makaalala pa si Oppa na magparamdam.

★Rrriiiiinnnggg rrriiiiiinnnnggg★

Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yun at sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitingnan kung sino yung tumatawag.

Kanina pa kasi nangangati ang kamay ko.

"Hello, Oppa!! Where are you? When will you be here?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"I'll be there, soon" sagot niya naman, pero parang iba ang boses niya. Tiningnan ko kung ano ang nakapangalan sa tumatawag sa akin at nakitang si Jiro pala yun.

Kainis na lalaking ito. At sinakyan niya pa talaga ang sinabi ko. Baliw na talaga ang taong ito.

"Hoy Jiro, wag ka ngang assuming! Hindi naman ikaw ang Kuya ko no!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi, napaka excited mo naman. Hintayin mo na lang na dumating siya diyan sa inyo!" Sigaw niya naman pabalik.

"Oh bakit ka sumisigaw?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Eh bakit ka rin sumisigaw??!!" Napatigil kaming dalawa sa pagsasalita pero mamaya ay nagsitawanan na lang kaming dalawa.
"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Wala naman, hinihintay ko lang ang pagdating ni Oppa, ngayon na ang uwi nila di ba" sagot ko naman.

"May kasama ka ba dyan sa inyo? Pupunta ako dyan" sabi niya.

"Wala naman, hoy di ba tapos ka na sa pagtututor? Eh no need na para pumunta ka dito" sabi ko sa kanya.

"Oo tapos na nga, hindi mo na ako tutor. Bakit? Bawal na ba akong dumalaw sa'yo? Sa pagkakaalala ko ay  boyfriend mo pa rin ako kaya wala naman na issue kung pumunta ako dyan sa inyo" sabi niya naman. Ang lalaki talagang ito. Kung ano-ano na lang talaga ang pinapalusot.

"Oo nga pero... ay naalala ko, may gagawin pa pala ako—" magpapalusot pa sana ako pero narinig kong may bumusenang sasakyan sa harapan namin.

"Too late" yun na lang ang narinig kong sinabi ni Jiro saka niya ibinaba ang tawag.

Lumabas naman ako ng bahay at nakitang ipinapapasok ng guard ang kotse nila Jiro at iginarahe naman nila ito sa garadge namin.

At home na at home naman ang lalaking ito sa amin. Ano ba ang ginagawa niya dito? Dahil lang ba sa nagsisimula nang gumaan ang loob ni Aboji sa kanya, basta-basta na lang siyang pumupunta dito?

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon