Kasandra's POV
Ngayong araw na ang simula ng pagiging PA ko. Sana naman absent ang lalaking yun para hindi ako mapahirapan.
Pero too late na ang wish ko, nakita ko na siyang papunta sa akin. Ang cool niyang tingnan habang naglalakad. Pero feeling ko may masamang mangyayari, hindi kasi tumitigil ang mabilis na tibok ng puso ko.
Sana naman hindi ako kainin ng taong ito. Wag naman po sanang mangyari yun.
Tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Then ngumiti siya na parang loko-loko. Ano kaya ang pinaplano nito sa akin.
"Follow me" sabi niya saka naglakad uli papalayo. Nang makalayo siya ng kaunti sa akin, tumigil siya at lumingon sa akin.
"What are you waiting for? I said follow!" Sabi niya saka tinawag ako na parang aso. Napatakbo naman ako papunta sa kanya.
"Good, gusto mo palang tawagin pa kita in that kind of way. Sige, magmula ngayon puppy na ang tawag ko sa'yo. And puppy must obey my every order, got that?" Sabi niya sa akin saka pinanlisikan ako ng mata.
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Kahit nakakuyom ang mga kamay ko.
Pumunta kami sa cr ng mga boys. Anong ginagawa namin dito? Nakakahiya dahil ang daming tao, lahat sila nakatingin sa akin. Tinatanong siguro kung bakit ako nandito.
"I'm about to use the cr, pero ang dumi sa loob. Puppy, clean it up" sabi niya naman na ikinalaki ng mga mata ko.
Ako?! Papagpalinisin niya ako sa loob ng cr ng mga LALAKI!!! Baliw ba siya? Babae ako tapos maglilinis ako sa cr ng mga lalaki!!
Nakita ko na nakangiti ang ilan sa mga lalaki na gumagamit ng cr. Akala nila ang gagawapo nila, mga pipityugin lang naman ang itsura nila.
"Look ms. Lopez. Ikaw mismo ang nagsabi kahapon na susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko sa'yo, we had a deal remember. Bakit parang ngayon umaayaw ka na. Nagsisimula pa lang tayo" sabi niya sa akin.
Kainis naman! Bakit pa kasi ganito ang iniutos niya.
Wala akong nagawa kaya kumuha ako ng mop at nakayukong pumasok sa loob ng cr.
"Woah!! Pare mukhang may naliligaw"
"Teka bakit nandito yan?"
"Makalabas na nga. Baka maninilip pa yan"
Parang gusto kong umiyak sa ginagawa kong ito. Bakit? Bakit ako pa? Wala naman akong balat sa pw*t, bakit ang malas-malas ko?
Buti naman at nagsilabasan lahat ng tao sa loob. Kahit mag-isa ako, okay lang as long as walang nanlalait sa akin. Walang masamang sinasabi.
"Brush this next. Ito ang gagamitin ko" nagulat ako ng marinig ang boses ni Jiro. Nasa likuran ko lang pala siya.
Nakita ko na naka turo siya sa isang toilet bowl. Seryoso talaga siya sa ginagawa niya. Gusto niya talagang maging miserable ang buhay ko.
Well bad news for him. He can't make my life more miserable kasi sagad na talaga ang magiging miserable ng buhay ko.
Kung gusto niyang makita akong naghihirap, he'll have to do better than this. Let's see kung sino ang makakasurvive. Sisiguraduhin kong mahihirapan din siyang pahirapan ako.
So ginawa ko nga lahat ng pinagawa niya sa akin sa loob ng cr. I moped the whole floor, brushed all of the toilet and inalis ko pa ang mga vandals sa pader.
Aminin ko, nakakapagod, pero hindi pa rin ako nagpapakita ng mukha ng pagkatalo. Parang nawawalan na siya ng ipaguutos sa akin.
"Mamayang lunch time, hintayin mo ako sa cafeteria. Wag kang papasok sa loob ng hindi pa ako kasama" sabi niya saka umalis na.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
Hayran KurguKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...