Chapter 56⇨ Back at the Philippines

12 0 0
                                    

Sangmin's POV

2 days later

"Kasandra are you ready? Nakaimpake ka na ba?" Tanong sa akin ni Daddy Rodrigo. Ngayong araw na kami babalik sa Pilipinas.

"Opo" sagot ko naman sa kanya saka ipinakita ang backpack ko.

"Oh, kaunti lang pala ang dala mong gamit. Don't worry, naghihintay pa rin ang mga gamit mo sa bahay. Hindi ko yun pinagalaw sa kahit kanino. Kapag nakauwi na tayo, everything will be back to normal." saad naman sa akin ni Daddy Rodrigo.

Ngiti na lamang ang naisagot ko sa kanya. Hindi pa naman kasi ako sanay na makipag-usap sa kanya. Hindi naman kasi siya katulad nito nung dati.

Pagkatapos namin mag-usap ay lumabas na siya ng kwarto ko para asikasuhin ang ilang mga bagay.

★Riiiinnnggg rrriiiinnnnggg★

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa cellphone ko at nakita ko na si Jiro pala. Dalawang araw na siya ngayong tumatawag sa akin pero hindi ko naman sinasagot.

Alam ko naman kung bakit siya tumatawag. Ayaw ko na rin naman na malaman pa niya kung ano pa man ang gusto kong gawin. Pipigilan niya lang naman ako.

Pero papano kung may importante siyang gustong sabihin sa akin? Papano kung may nangyaring masama? Kukunin ko na sana ang cellphone ko para sagutin ang tawag pero natigilan uli ako nang maalala ko na baka masira pa nito ang gagawin ko.

Pero papano kung hindi naman. Tyaka mamaya na rin naman ang alis namin ni Daddy Rodrigo, pwede ko naman siguro siyang kausapin kahit sandali lang.

Kaya kinuha ko yung cellphone ko at sinagot ang tawag.

"H-h-hello..." pagsagot ko pero wala man lang akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. Tiningnan ko kung naputol na ang tawag pero hindi pa naman.

"Yah!!!!!! Kim Sangmin!! Bakit ka ganyan??!! Palagi ka na lang nagpapaalala sa mga tao sa paligid mo!! Hindi mo man lang ba inisip ang sitwasyon ngayon ng pamilya mo?!! Bakit mo sila iniwan??! Bakit basta ka na lang nawawala???!! Bigla ka na lang maglalayas!!" Sigaw sa akin ni Jiro.

"Hindi mo kasi naiintindihan dahil wala kang alam!! Don't lecture me as if you know what I've been through, cause you don't!!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako makipag-usap sa kanya. Pero ang alam ko lang ay gusto kong mailabas ang kanina pang gustong kumawalang sakit sa loob ko.

"I'm sorry, I went too far. Can I meet you today?" Tanong niya.

"No, hindi pwede"

"Bakit naman?"

"I'm going to erase everything that happened here and go back to where it all started" huling sagot ko sa kanya saka ibinaba ang tawag at inoff ang cellphone.

3rd Person's POV

Nakabantay ngayon ang magkapatid na Jin at Seorin sa kanilang ama na nakahiga pa rin sa kama ng hospital. Mabuti na rin lang naman ang pakiramdam ni Junhyeong pero hindi pa rin siya lumalabas dahil natatakot siya sa mga maaaring mangyari sa kanya at sa mga anak niya.

"Aboji, Sami has left for two days now. What are we going to do about it?" Tanong ni Jin sa ama.

"Don't worry, she'll be fine" sagot naman ng ama habang nakatingin sa malayo. Ayaw niyang harapin ang mga anak dahil alam niyang mahahalata siya ng mga ito.

"Appa, she can't be fine. She's a girl who does not yet know how to speak Korean that is living here in South Korea. She won't be just fine" pagkokontra naman ni Seorin sa sinabi ng ama.

Pink Oppa Is My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon