Kasandra's POV
Kakarating ko pa lang ng bahay galing sa school. Padabog akong pumasok, nakakainis kasi ang Jirong yun. Akala mo kung sino umasta, dahil lang ba sikat siya sa school ganun na dapat ang pakikitungo niya sa ibang tao.
Kainis siya, daig niya pa ang isang hari sa mga demands niya, tapos ngayon mag-aala superhero. Lokohin niya na ang loko-loko, wag lang ako.
"Oh, bakit ang laki na naman niyang butas ng ilong mo?" Tanong sa akin ni nanny nang makitang may bumabagabag sa akin.
"It's just this guy at school nanny. Ang sarap umpugin ang ulo, hanggang sa wala nang maalala. Nakakainis talaga!!" Sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili.
"Hmmm.... Sami masama yan. Wag kang ganyan sa kapwa mo" pangangaral naman sa akin ni nanny.
"Opo nanny, ika nga 'Let's be kind to ANIMALS!!' di ba nanny?" Pagbibiro ko naman sa kanya.
"Ikaw Sami ah... ang dami mo nang nalalaman, sino ang mga nagiimpluwensya sayo niyan?" Tanong sa akin ni nanny.
"Hihihi.... joke lang po nanny. Masyado namang mainit ng ulo niyo" sabi ko naman sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka—"
"Annyeonghaseyo Army!!! Great news!! BTS will be having a concert here in the Philippines, next week on *******. It's your time to watch you favorite boy group in person!!"
Narinig kong announce sa tv namin.
(*⊙o⊙*)
"Omo!!! OMGieeee!!!! Nanny!!! Pupunta sila dito!!! Bibisitahin ako ng mga oppa ko!!" Sigaw ko kay nanny habang lumulundag-lundag na parang bata, with matching clap hands pa.
"Pupunta lang dito sa bansa, bibisitahin ka na agad?! Di ba pwedeng magcoconcert muna? Taas naman ng pangarap mo" sabi naman ni nanny sa akin.
"Quiet ka lang nanny, alam mo naman kung gaano ako nababaliw kapag sila ang pinag-uusapan" sagot ko naman.
"Tickets are available at *******. Don't miss this once in a lifetime experience. See you there army!!" Sabi uli ng nagsasalita sa tv.
"Oh I won't miss out alright. Nanny!! Bilhan mo ako ng ticket, and not just any ticket. Gusto ko yung VIP. Please nanny!!" pagmamakaawa ko kay nanny, with matching paluhod pa sa sahig.
"Nakung bata ka... ano naman ang gagawin mo diyan na sigurado akong maraming taong pupunta diyan. Alam mo naman na mahina ang puso mo di ba" sabi niya sa akin.
"Nanny, matagal nang wala yung sakit ko" palusot ko naman.
"Di ibig sabihin na hindi ka na inaatake nun, ay wala ka nang sakit. The reason why your no longer experiencing that, is that I am forbiding you to do hard works" ayan na naman siya, dinadaan na naman ako sa english niya.
Your probably thinking why my nanny is good at speaking english, eh nanny ko lang naman siya.
She's not that old naman kaya. Well, actually 49 years old na siya, pero bata pa rin siyang tingnan. Nagugulat nga ang ibang tao kapag tinatanong ang edad niya. She's also good at speaking korean, she once worked there kaya marunong siya. Ang susyal kaya ang nanny ko, fashionista siya kung manamit.
May sarili din siyang pera kaya nabibili niya ang gusto niya. Pero hindi ko alam kung saan yun galing o baka suhol lang yun ni daddy sa kanya para manatili dito sa bahay. Who knows...
"Please nanny, just this once. Alam mo naman how I dreamed to see them in person" pagmamakaawa ko uli sa kanya habang nagpupuppy eyes. Sana naman gumana ito.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanficKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...