Kasandra's POV
★Yawn★
Tumingin ako sa orasan ko.
(⊙o⊙)
Omo!!! 11:00 pm na pala. May pasok pa ako bukas. Makatulog na nga.
★Knock knock knock★
Sino naman kaya yun?
"Pasok, bukas yan" sabi ko naman habang inaayos ang higaan ko.
"Sami, gising ka pa pala" sabi naman ni nanny.
"Syempre nanny, kumatok ka, pinapasok kita, eh di gising pa talaga ako" pambabara ko naman sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka. Habang tumatagal lalo ka pang nagiging suplada ha" pagbibiro niya naman sa akin.
"Hihihi.... love you nanny" sabi ko naman sa kanya habang niyayakap at nilalambing siya.
"Hmmm.... matulog ka na nga. Ikaw rin, lalaki ang mga eye bags mong yan" pananakot naman sa akin ni nanny.
Mabilis naman akong humiga sa higaan ko at natulog na. Ayaw kong masayang ang beauty ko no. Oo importante ang mag-aral pero importante rin naman ang kagandahan di ba.
Olly's POV
Ang bata talagang ito, talagang disididong makuha ang VIP ticket niya.
Lalabas na sana ako sa kwarto niya pero nagawi ang mata ko sa study table niya.
Naku!! Wala talagang pinagbago si Sami. Makalat pa rin sa gamit. Hindi man lang niligpit ang mga librong pinag-aralan niya.
Pumunta ako doon para iligpit ang mga yun.
"Wag mo na po muna yan galawin. Madali lang naman akong matutulog. Babalikan ko lang naman yan" nagulat ako nung marinig ko ang boses ni Sami. Hindi pa pala siya natutulog.
"Ano ka ba namang bata ka! Ginulat mo naman ako. Akala ko tulog ka na" sabi ko sa kanya.
"Hihihi... sorry po nanny" sabi niya naman.
"Sige, iiwan ko na ito dito. Wag mong masyadong istress ang sarili mo ah" sabi ko naman sa kanya saka umalis na.
☆Kinabukasan☆
Tapos ko nang ihanda ang breakfast ni Sami, ngayon hinihintay ko na lang siyang bumaba. Hmmmm.... sa tingin ko nagover sleep na naman yun.
Mapuntahan na nga sa kwarto niya. Kahit ilang alarm clock pa siguro ang ibigay ko sa kanya wala talagang ibang makakagising sa kanya, kundi ako lang.
Umakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto ni Sami.
★Knock knock knock★
Walang sumasagot...
★Knock knock knock★
Wala pa ring sumasagot, kaya binuksan ko na ang pinto.
Hindi ko nakita si Sami sa kama niya, kaya bigla naman akong napatakbo papasok sa kwarto niya.
"Sami?!" Nataranta naman ako.
"Hmmmp.... nanny, ang ingay niyo naman. Ang aga pa para mambulabog ng kapitbahay" napatingin naman ako sa study table at doon ko nakita si Sami na kakagising pa lang.
Teka, sa study table siya natulog? Hindi ba sumakit ang likod niya diyan?
"Jusko naman Sami, bakit diyan ka natulog?" Tanong ko sa kanya habang siya naman, dumiretso na sa bathroom niya para maligo.
"Nagpahabol pa kasi ako ng studies. Baka makalimot ako sa ibang minemorise ko. Don't worry nanny, I made sure na enough naman yung tulog ko para hindi ako antukin sa school" sabi niya naman sa akin.
BINABASA MO ANG
Pink Oppa Is My Brother
FanfictionKim Seokjin, also known as Jin ng BTS, isang sikat na boy group sa Korea. Siya ay makulit, mapagbiro at higit sa lahat mahilig sa PINK!!! . . . Kim Sangmin or Kasandra Minerva Lopez, unica ihja ng isang businessman. Nag-iisang anak at nag-iisa sa bu...