Dire-diretso akong pumasok sa loob ng campus habang naka-pamulsa. Nakasimangot ako habang naglalakad dahil alam kong hindi ko na magiging kaklase si Arian pero alam ko naman na pumupunta pa rin siya pero hindi 'yun sapat!
Agad akong pumasok sa loob ng klase ko at nakita ang Professor namin na alam kong kanina pa ako hinihintay.
"Please take your sit." utos ng Professor namin. "By the way let me introduce your new Classmate, please come here. She's Cassey Chen." dagdag nito.
"What the hell?! May Nerd!"
"Ang daming pimples yuck!"
"Class Quite! Maupo ka na Cassey," utos ni Prof at seryoso niyang sinunod ito.
"Eww Nerd!"
"Miss Cassey dito ka sa tabi ni Zavier ma-upo." utos ni Prof na ikinangisi ko naman.
"Eww poor!"
Ang ingay talaga...
"Yuck! Isa siyang malaking sumpa!"
"Kadiri nga eh! Ang daming allergic reactions sa mukha haha!"
Umiinit na naman yung ulo ko at isa pa ayoko sa lahat ng maiingay lalo na't katabi ko pa ang pinag-iinitan nila. Dahil sa sobrang ingay ng mga ito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi tumayo.
"Ano mga kupal?! titigil kayo oo babarilin ko yang mga nguso niyo?!" agad silang natahimik.
"S-Sorry Zavier hindi na muulit." paumanhin ng babaeng kanina pa nang-aasar sa katabi ko.
"Shut up!" sabay umupo na ako.
Studying in Business Management course makes me sick. Puro tulog lang naman ang ginagawa ko dahil wala si Arian at tahimik namang nag d-discuss ang Professor namin. Mayamaya lang ay tumunog na ang bell at oras na para mag breaktime.
"Okay, mag breaktime na muna kayo."
Sinulyapan ko saglit ang katabi ko. Maganda naman sana siya kung wala siyang mga pimples pero hindi ko inaasahang napatingin rin siya sa'kin at ayokong isipin na stalker ako kaya napaiwas ako ng tingin.
Kinuha ko ang aking mga gamit at tumayo para hanapin sila Jc. Nasaan na yung mga gunggong na yon? naalala ko yung office ni Arian baka naroon siya kaya naman agad akong nagtungo sa office niya ngunit...
Nabangga ko ang nerd kong kaklase dahil sa kamamadali ko.
"Tsk! Harang-harang!" pagr-reklamo ko, totoo naman eh.
Hinayaan ko na siya at dumiretso sa office ni Arian, pagka bukas ko ay nakita ko siya kasama sina Jc, Dave at Ace.
"Boss! kamusta kayo?" tanong ni Jc.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko pabalik.
"May pinapabuhat po kasi sa amin si Mommy Arian." sabi ni Ace na parang bata.
"Mommy Arian?! anak ng kupal ka!"
"Lagot ka! ginalit mo si Daddy, Ace." nag-aalalang sabi ni Dave na para din isang bata.
"Mabuti pa lumayas na tayo baka tadtarin tayo ni Daddy ng bala!" saad ni Jc na parang bakla.
Kinuha ko ang kahoy na nakita ko sa gilid ngunit nagsipag takbuhan naman ang tatlo sa bintana pero nahuli ko si Ace dahil siya ang pinaka-huling dumaan dito.
"Aaah! Boss tama na Child abuse ka a-ahh!" sinasakal ko siya hanggang sa siguraduhin kong mamamatay na siya.
"Kitang-kita naman natin mga kababayan ang nagaganap dito sa loob ng Opisina ni Ma'am!" pagbabalita ni Jc na parang Tanga.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...