It's already saturday at wala man lang balak ang babaeng 'yun na lumabas nang bahay. Gusto ko sanang magbakasyon kaso gusto ko rin naman siyang makasama hindi dahil sa gusto ko siyang makasama, gusto ko siyang ma-inlove sa'kin at pagkatapos ay sasaktan ko ang puso niya. 'Yun ang pinaka main goal ko!
Pero simula kaninang umaga ay wala siya rito sa kwarto? Nasaan naman siya pumunta? Tsaka naalala ko kagabi na masakit ang ulo niya, kamusta na kaya siya?
Agad akong bumaba para hanapin siya nang makita ko si Tanda na naghahanda.
"Anong meron at ang dami mong hinahanda?" tanong ko.
"Sir! Gising kana pala! si Arian ang nag utos sa'kin na mag handa ng marami ang alam ko kasi eh may pupuntang bisita rito kaya heto at nagluluto ako nang samu't-saring pagkain---"
"Si Arian? nasaan siya." tinuro niya naman ang opisina niya at dali-dali akong pumunta doon at nakita kong may kausap siya sa telepono, napatingin naman ito sa'kin at sabay binalik niya ang kanyang atensyon sa kanyang kausap.
"I'll talk to you later." napangisi ako ng hindi niya nanaman ako pinansin, para akong isang multo na hindi niya nakikita.
"Hoy may tao rito." napatingin ito sa'kin ng ilang saglit at muli nanaman akong hindi pinansin. "Ano bang problema mo?! Bakit hindi mo 'ko pinapansin?!" dapat nga ako ang gumagawa nito at hindi ikaw.
"I'm just busy." sabay lumabas ito nang opisina niya. Hindi kaya may iba siyang kalaguyo?! oh matagal niya na akong niloloko?!
"Arian mag-usap tayo! Pag-usapan natin 'to." pagpipigil ko sa kanya, alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Alam kong nagsasawa na siya na makita ang pagmumukha ko pero hindi pa ako nakakabawi sa kanya kaya hindi niya ako pwedeng iwan ng basta-basta nalang.
"Alam kong may iba kana, gusto ko lang sana na malaman mong hinding-hindi kita pakakawalan." dahil hindi pa ako tapos sa misyon ko na paluhain at saktan ka!
"What the hell are you saying?" inagaw niya ang kanyang kamay mula sa'kin, napatingin ako kay Tanda na nagpupumigil sa kakatawa.
"Anong nakakatawa?! tingin mo nakakatawa 'to?!" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Sorry sir, hindi ko ineexpect na ganito mo kamahal si Arian." natigilan ako ng sabihin niya ito.
Bakit parang baliktad?!
"Ano?! Ako ba tinatanong mo?! eh siya nga 'tong patay na patay sa'kin tapos selos na selos nga siya no'ng may babaeng lumapit sa'kin. Nagawa pa nga niyang baliin 'yung leeg ng babaeng 'yun dahil ayaw niyang maagaw ako mula sa kanya!" inayos ko ang neck tie ko bago umupo sa may dinning area.
"Para sa'kin lahat 'to diba?" tanong ko ngunit walang sumagot. "Mga bingi ba kayo?!" halos magwala ako sa inis ngunit sawakas ay nagsalita rin ang babaeng kanina ko pa hinihintay.
"It's not for you." tila ba parang nakaramdam ako nang butas sa puso ko ng marinig ito mula sa kanya.
"Grabe ka magsalita." sabi ko habang pinapapak ang manok.
Mayamaya ay biglang tumunog ang bell at senyales na nariyan na ang mga magiging bisita niya. Gusto ko sanang makita pero pinigilan ako nang matandang ito.
"Anong problema mo?!"
"Eh sir, may tawag po kasi sa cellphone niyo nakita ko po yung pangalan ng dad niyo." agad akong umakyat sa kwarto para sagutin ang tawag ni Dad.
"Yo Dad?"
[Inalagaan mo ba ng mabuti si Arian anak?]
"Oo naman."
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...