Naglalakad ako papunta sa kwarto ni Madam upang ito'y bisitahin at makausap.
"Ano na ang balita?" tanong nito.
"Traydor po ang anak niyong si Marcos pero kayo po ang may karapatang tanggalin siya sa kanyang trono."
"Hayaan mo siya."
"Pero Madam--" biglang naputol ang aking sasabihin ng ito'y biglang nagsalita.
"Sarili niya ng teritoryo 'yun, heto ang panibago natin." saad niya.
"Kung sabagay, alam ko na rin ang gagawin ng isa sa mga Mafia boss, mukhang nagsisimula na siya."
"Sino yan?"
"Si Hugo Lorejo, asawa ni Vivian at Ama ni Annika."
"Ipaghihiganti niya ang kanyang mag-ina?"
"Ganun na nga po."
"Huwag siyang padalos-dalos."
"Bakit Madam?" takang tanong ko.
"Magiging dalawa ang kalaban."
"At sino naman po?"
"Ang mga Terminators, magbabalik sila, 10 years ago na ang nakakalipas, pinagbili nila ang kanilang mga sarili upang sumailalim sa isang eksperimento para lang gumanti sa'tin, nakuha ko itong impormasyon mula sa Scientist na 'yun at satingin ko sila dapat ang unahin natin."
Base sa mga sinasabi ni Madam, ang mga iyon na siguro ang pinaka kinakatakutan niya, gusto nilang ubusin ang mga Assassin, pero syempre madadamay rin ang mga Mafia Boss at ang mga inosenteng tao.
"Nasa America sila ngayon, satingin ko doon nila tayo hinahanap dahil nagpadala si Marcos ng mga Assassin at naka pang pormal na ayos ang mga ito."
"Satingin niyo, tayo kaya ang target nila?" muli kong tanong.
"Ganun nga, kabi-kabila ang kalaban. Si Arian, Marcos at ang mga Terminators. Maghahanda tayo dahil ano mang oras malalaman nila na nasa Europe tayo."
Tumango na lamang ako sa kanyang mga sinabi, kung hindi lang pumalpak ang plano nila sa pagpapa sunod kina Marcos at Arian edi sana matagal ng nalagutan ng hininga ang mga Terminators na yan, narinig ko na ang kwentong ito.
Mahuhusay silang mga Assassin, mas matatalino at mababagsik para lang sa pamilya nila at sa pera, sinamantala ni Madam ang kakayahan nila, inakala niyang na mawawala na sila sa landas nito pero, hindi niya akalain na naimbitahan ang mga ito na sumailalim sa isang eksperimento kung kaya't mas lalo lang dumoble ang problemang kinahaharap namin.
Tric's Point Of View
Hays buti naman at nakauwi na rin kami.
"Tric," tawag sa'kin ni Leader at tumingin naman ako sa kanya.
"Bakit leader?" tanong ko ngunit bigla niya akong sinuntok ng napakalakas kung kaya't bumaon ako sa pader, sinipa niya naman ang aking tiyan at ramdam ko ang pagwasak ng pader na nasa aking likuran, halos hindi na rin ako makapag salita dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...