Chapter 41

25K 591 35
                                    

Zavier's Point Of View

Kakatapos lang na mabinyagan itong mga anak ko, grabe ang dami namang nagsipuntahan kahit hindi imbitado pero siguro sina Dad ang nag invite sa kanila.

"Ang c-cute naman ng mga Apo ko!" masayang sabi ni Mom habang karga-karga si Yohan.

Pitong buwan na sila, ang bilis ng araw tsaka ang bilis rin ng araw na pinakasalan na ni bayaw si Kryssa at hindi man lang nag imbita ang mga ito pero okay lang hindi ko naman siya inimbitahan rito sa binyag ng mga anak ko.

"Ang gwapo nitong apo mo Kristina!"

"Nasaan na yung apo mong babae?"

"Zavier anak halika rito." utos niya at sumunod naman ako.

"Wow infareness ang gwapo talaga nitong anak mo."

"Ang ganda naman ng apo mo! masayang sabi ng kumare ni mom at binuhat ito ngunit bigla nalang umiyak si Aizen.

Agad ko itong kinuha at pinatahan, nasanay na siyang ako lang ang kumakarga sa kanya at ganun rin kay Arian, kahit kina Dad umiiyak ay siya.

Lumayo muna ako sa kanila, ilang saglit pa ay tinuro ng anak ko ang cake at lumapit naman ako ro'n.

"Gusto mo baby?"

Bigla niya namang hinampas yung mukha ko pero hinalikan ko na lamang ang pisngi niya. Alam kong magiging pasaway rin ito paglaki pero bilang ama niya, gagawin ko ang lahat para maging mabuti siyang bata.

Napatingin ako kina Arian sa may hindi kalayuan habang kausap sina Sandra at Mr Marvic.

Binalik kong muli ang tingin ko kay Aizen. May lumapit sa'min na isang babae, maputla ito't binigyan niya ako ng wine.

"Sir, para po sa inyo." nakangiting sabi niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Aizen sa kwelyo ko at masama ang kanyang tingin sa babaeng ito.

Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun pero pakiramdam ko'y parang may mali. Kung marunong na siguro itong magsalita baka kanina pa ako nabulyawan nito.

"Aizen bakit?" tanong ko sa kanya ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang masamang tingin niya sa babaeng ito.

"Sir, hindi niya lang talaga ako kilala, kunin niyo na po." kinuha ko naman ito. "Sir inumin niyo na po." dagdag niya.

Hindi ko alam kung sino ang nagtulak sa'kin para sundin ang sinabi niya, bago ko pa ito mainom ay narinig kong nagsalita si Aizen.

"Ma."

Ma? Tinatawag niya yung mommy niya?

Nabigla ako ng hinablot ni Arian ang wine na hawak ko at ibinuhos ito sa mukha ng babae, ilang sandali pa ay para siyang nabuhusan ng asido sa mukha at ngayon ay wala na siyang malay.

"Acid Poison." sambit ni Chad.

Narinig kong kinasa ni Arian ang kanyang baril at diretso niyang pinakawalan ang bala sa isang Puno pero bigla itong lumiko.

"There's nothing to worry about that, dont mind it." napatingin siya kay Aizen at nginitian ito.

"Good job, baby girl." at bumalik na itong muli kina Mr Marvic.

Good job? Sinabihan niya ba ang anak niya tungkol rito? Huh? Hindi ko maintindihan! paano naman naiintindihan ni Aizen? She's just 7 months but...

She's advance pero ang gulo! Wag mong sabihing magiging assassin itong anak ko? hindi ako papayag... papatay sila katulad ng ginagawa namin? I'm the Mafia King but unlike the other Mafia Boss hindi ko gustong ilagay sa panganib ang mga anak ko. I'm the Mafia King for a reason and I want a normal life for them, hindi ko hahayaang lumaki sila ng katulad namin, kung noon ginagawa ko 'to dahil sa gusto ko lang, pero ngayon may dahilan na ako at 'yun ay ang mapanatili ang kapayapaan sa pamilya namin.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon