Sandra's Point Of View
Sobrang dilim rito na halos wala na rin akong makita pero hindi rin nagtagal ay may nag bukas ng ilaw pero sa'kin lamang ito nakatutol.
"N-Nasaan ako? Pakawalan mo ako kung sino ka mang kumag ka na nag kulong sa'kin rito! Kakatayin talaga kita!"
Nakarinig ako ng pagkasa ng baril, napatingin ako sa aking giliran.
"15 years na ang nakakaraan at nagkita pa tayo." saad niya at pakiramdam ko pamilyar ang kanyang boses.
Nang mas lumapit pa ito sa kinaroroonan ko ay dito ko tuluyang nakita ang kanyang itsura ay mas nagulat ako.
"Ate?"
"Naaalala mo pa pala ang kapatid mo."
"P-Pero, patay ka na diba?"
"Tama ka Sandra, patay na ako dahil anim na taong gulang ka noong pinalayas ako nila Mom at Dad, gusto kong gumanti sa kanila pero nalaman ko nalang na wala na rin pala sila at naaksidente ako dahil sa isang operasyon."
"Ano naman ang kailangan mo?"
"Magsisimula na ang tunay na laban at ayokong madamay ka."
"Anong ibig mong sabihin ate?"
"Sandra, iwan mo na ang trabaho mo't umiwas ka sa gulo."
"Hindi kita maintindihan ate, anong ibig mong sabihin?"
"Limang taon mula ngayon, mangyayari ang hindi inaasahan, maraming mamamatay at may mag t-traydor na malapit sa inyo, Sandra mag ingat kayo."
~~~
Bigla na lamang akong nagising na parang isang panaginip lamang ang naganap, anong ibig nyang sabihin?
Huh? Pero teka... nandito pa rin ako sa madilim at ang isang ilaw ay nakatutok sa'kin.
Bigla nalang lumapit sa'kin at isa siyang babae at may hawak na ahas sa kanyang kamay.
"S-Sino ka?"
"Taga-bantay lang." nakangiting sagot nito.
Talagang magkamukha sila, mga mukhang ahas, pero itong lugar na ito ay parang gym, ang gulo rin ng loob tsaka kinakalawang na yung ibang mga kagamitan dito.
Ano naman ang kailangan ng mga 'to sa'kin?
~
Na-track ko na ang lugar kung nasaan si Sandy ngayon, kinuha ko ang aking baril at agad sumakay sa kotse ko.
~
Nakarating ako sito sa tapat nang building na abandonado at alam kong nasa loob nito si Sandy, agad akong pumasok sa loob habang gamit ang aking silencer at pinag babaril ang mga nakabantay.
Nakita ko yung babae na may hawak hawak na ahas na nakapalibot rin sa kanyang leeg, pinagbabaril ko ito pero nakailag siya at nalaglag naman ang ahas na hawak nito sabay gumapang papunta kay Sandy.
"Chaaad! Ayoko sa ahas! Tulungan mo 'ko!" naiiyak niyang sigaw.
"Oo w-wait lang Sandy!"
Kinasa ko itong silencer ko't pinagbabaril ang babae pero napatigil ako ng tutukan niya ng baril si Sandy.
"Ano bang kailangan niyo kay Sandy?" tanong ko habang nakangisi.
"Gagamitin namin siyang pain, problema mo?!"
"Ganun ba? pwes wag kang mag alala Sandy, si Miss Lead ang nagturo nito sa'kin kaya idol na idol ko talaga siya." sabay binunot ko ang isa pang baril sa aking likod at diretso siyang binaril.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomansaHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...