Chapter 16

33.5K 822 47
                                    

Zavier's Point Of View

Nang makarinig ako ng alingangaw ng mga bala ay agad kong tinignan ang labas at nakita ko si Caleb na bumaba mula sa bintana ng 2nd floor kaya naman ay pinag-babaril ko ito ngunit may biglang mga bumabaril sa'kin pero napatumba ko sila agad.

Hinabol ko si Caleb habang sina Jc naman ay hinarangan ang Gate para hindi makalabas ang mga ito. Buti naman at may utak ang mga 'to, Sinenyasan akong barilin ni Caleb ng makakuha ito ng caliber 45 sa bangkay niyang tauhan pero bigo siyang patumbahin ako.

Dave's Point Of View

Nagtago ako sa ibaba ng lamesa para maiwasan ang gulo, napatingin sa dalawang naglalaban, hindi ako pamilyar sa kanila pero tingin ko may iba silang rason. Ang isang napakagandang babae ay naka maskara ay naka suot ito ng napakagandang Black Elegent Dress at kaharap niya ang isang lalaki na may tama sa noo ng baril, geez?! Paano siya naka survive?!

Inatake siya ng lalaki gamit ang hawak niyang Katana pero agad itong naiwasan ng babae at mayamaya pa ay palitan sila ng atake pero ramdam kong mas malaki ang advantage ng babae kung sa bilis at lakas lang ang pag-uusapan.

Nabigla ako ng mawala ang magandang babae sa kanyang harapan, pilit ko siyang hinanap sa pamamagitan ng aking mga mata pero nagulat ako ng may boomerang ang papalapit sa kinaroroonan ng lalaki, agad niya itong iniwasan, bumalik ang boomerant sa kamay ng isa pang babae na siguradong kasamahan niya, maganda rin ito kung tutuusin at grabe! mga magagandang babae laban sa isang lalaki!

Napatigin akong muli sa kalagayan ni Boss, hindi malayo ang kinaroroonan nila mula sa'kin at isa pa parami ng parami ang mga pumupunta ritong tauhan ni Caleb. Napapaisip tuloy ako kung mga Assassin ang dalawang babaeng 'yun pero hindi na ako magtataka dahil ang naka dealer ni Caleb ay isang Assassin pero ang hindi ko maintindihan bakit nila nilalaban ang kasamahan nila?! Traydor din kaya ito?

Chad's Point Of View

Kailangan naming matapos 'to! Nakikipaglaban ako sa kanila gamit itong Katana. Ewan ko ba kung bakit nakisali itong mga tauhan ng Mafia Boss na 'yun pero hindi ko maintindihan kung bakit naglalaban ang dalawang Mafia Boss pati rin ang mga tauhan nito ay pinapatay niya!

Yung lalaking Sharp Shooter sigurado na talaga akong Mafia Boss siya at isa pa humahanga ako sa husay niya dahil ang galing niyang bumaril pero yung kalaban niyang Mafia Boss rin ay magaling rin kung umilag, kung kanina parami sila ng parami ngayon ay paunti na sila ng paunti.

Binaril ko yung isa na nakaharang sa harapan ko.

"Boss! sa likod mo!" sabi ng isang lalaki at biglaan niyang binaril ang kalaban sa likuran niya.

Mafia Boss laban sa Mafia Boss at Assassin laban sa Assassin.

Nakikita ko sila dahil palabas na ng building sila Sandra at siya naman ang tumatapos sa mga pakalat-kalat na kalaban. Mabilis ang paglalaban nila Miss Lead at Dominic.

Sa kabila naman ay ang dalawang Mafia Boss, nagsasalit-salitan sila ng putokan ng baril at wala pang nagagalusan sa kanilang dalawa.

Paatras nang paatras si Miss Lead dahil sa sobrang daya ni Dominic, may dala pa itong isang Kunai, salit-salitan niya itong winawasiwas sa kanyang harapan, ang huli niyang ginawa ay nahiwa niya sa gitna ang maskara ni Miss Lead, nakita ko rin na nagsisimula ng manghina si Ma'am dahil sigurado akong malaki ang nakonsumo niya gawa ng kanyang mga mata na kanina ay kulay lila ngayon naman ay bumalik ito sa normal.

Sa kabila naman ay ganun din ang naging sitwasyon, paatras ng paatras yung Sharp Shooter na Mafia Boss dahil sa dalawa ang hawak na baril ni Caleb at salit-salitan niya itong ipinuputok sa kanya pero nagagawa niya itong Hanggang sa...

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon