Chapter 6

45.4K 1.1K 35
                                    

Agad kong tinakpan ang cellphone ko ng bigla itong mag vibrate. Hindi pa naman ako pwedeng mag cellphone dahil utos ito ng babaeng 'to kaya naman nagtago ako sa baba ng kama dahil narito ito habang nag c-computer at ako naman ay nag kunwaring may kinuhang notebook at ang laman ay ang aking cellphone.


[Boss, Kailangang-kailangan ka na namin.]

"Ayaw nga akong palabasin ng babaeng 'to." bulong ko rito.

[Sige boss, Kailan po ba yung pasok?]

"Ewan, ayokong pumasok."

"You have an exam tomorrow." napatingin ako sa kinaroroonan nito, hindi ko inaasahang maririnig niya ako.

"What?! exam agad? parang wala namang tinuro yung prof mo."

"He did his best to teach us and yet, you are the one who's not listening. Not my prob."

"Nakikinig ako! Wala lang akong maintindihan."

Saglit itong napatingin sa'kin ng masama kaya naman ginulo ko ang aking buhok dahil sa sobrang inis.

"Edi mag review!" bago ako lumabas ay may narinig akong tawag mula sa cellphone na siguro ay pag ma-may-ari niya. "Sagutin mo na yung tawag!" at tuluyan na akong lumabas.


~

Shookey's Point Of View


Tatlong oras akong nag hintay para sa misyon ko na kung saan ay bibigyan ako ni Master ng permiso upang gawin ko ito ngayon. "Master Goi aalis na po ako." sabi ko ng makita itong lumitaw sa aking harapan. Tumango lamang ito at hinintay ang aking pag-alis, Naglakad ako papunta sa aking sasakyan at sabay pinaharurot ito.

Ginamit ko ang abilidad kung saan ay mas lalo ko pang tinalasan ang aking pandinig at pang-amoy. Suot ko ang grey hood at black boots kasama ang puting gloves ko.

Ayokong may makakita sa'kin na ordinaryong tao dahil sigurado akong pandidirihan ako ng mga ito at ang mas malala ay tatawagin lang nila akong Halimaw. Lahat ng miyembro ng 12 Zodiac Assassins ay may iba't-iba rin mga anyo na nahahalintulad sa 12 Zodiac Sign habang ako naman ay nag-aanyong aso at may abilidad na matalas ang pandinig at matalas na pang-amoy. Wala na akong maalala noong mga panahong tao pa ako at siguradong binura na nila ito. Hindi ko alam ang rason kung bakit pumayag akong sumali sa clan nila, hindi ko rin kilala kung sino ang may kagagawan nitong lahat.

Mayroong tatlong clan ng mga Assassin Knights na nagsisilbi sa Palace Knight. Si Madam ang nag mamay-ari nito at kami ang pangatlo bilang 12 Zodiac Assassin Clan at pangalawa ang "Death Traders Clan" na may apat na knights o miyembro ng Assassin at ang pinaka kanang kamay ni Madam ay ang mga "Skull Killers Clan" na may dalawang miyembro lamang at sila rin ay ang mga kinikilalang Pari.

Mayamaya lamang ay mayroon akong naamoy na kakaibang awra at para bang pamilyar ang personalidad nito, nababalutan ng itim na awra ang presensya nito at ang tinatawag nilang demon eyes ay tinataglay niya.

Hindi kaya, siya na ang matagal ko ng hinahanap?!

Ngunit bago ako pumaroon ay sinigurado kong walang nakasunod sa'kin at ng makompirma kong walang nakasunod ay agad akong pumunta sa lugar kung saan ko ito at naramdaman.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon