"Zavier!" biglang nabulabog ang mahimbing kong tulog at napatingin sa paligid.
"Ano?!" sigaw ko rin pabalik.
"Anak! mag ready kana." utos ni Mom.
Istorbo talaga!
"Eh! mamaya pa namang 7 magsisimula ah!" inis kong turan sa kanya.
"Excited na kasi ako anak! hihi." parang batang saad ni Mom.
Wala na akong nagawa pa, dumiretso na ako ng cr para maligo pagkatapos ay bumaba na at dumiretso sa dinning area.
"Ayan na ang iyong pagkain, si Arian na ang nagluto niyan." masayang sabi ni Tanda.
"Nasaan siya?" tanong ko habang ginagala ang aking tingin sa mga pagkaing nakakatakam.
"Nasa office niya."
Hindi na ako nagsalita pa at kinain ko na ang mga ini handa nila.
Arian's Point Of View
I received a phone call from Sandra, I immediately answered it.
"Speak."
[Hi Miss lead, meron na akong nakuhang info.]
"Continue."
[Okay miss, Ahmm nasa Dark Cave ngayon si Master Goi, he's not dead, mautak rin siya and I already send his location.]
I cut the line and wore my black shirt with white sleeves, my black short, black Sneakers and black cap.
Zavier's Point Of View
Nang matapos na akong kumain ay dumiretso ako sa office ni Arian, pero Nagkasalubong naman kami agad.
"Saan ka pupunta?" kunot noong tanong ko.
"Heaven."
Matipid niyang sagot at nagpatuloy na ito sa paglalakad ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng pinto ay bigla ko itong hinarangan.
"Saan nga?"
"At my Dad's house." malamig niyang sagot.
Bago ako pumayag ay tinignan ko ang kanyang pananamit at may naisip akong bigla.
Hmm...
Makikilibing ba 'to?
"Okay, mag iingat ka. Umuwi ka ng maaga, ayokong lalagpas ka ng 2pm susugurin kita sa Dad mo, ayoko ng may kasama kang lalaki, ayoko ng may pinupuntahan kang lalaki, ayoko ng may kinakausap kang lalaki, ayoko rin ng may humahawak sayo at ayoko ring nilalapitan ka kung meron umiwas ka at a---" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng bigla niya akong hinalikan.
" I'll promise, love." sa tono ng boses niya ay hindi halata ang pagiging malambing nito pero ang sinabi niya mismo ay napakatamis.
Bigla akong napatulala sa kawalan, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing hinahalikan niya ang pisngi ko?! Nabalik ako sa realidad ng nakaalis na pala ito sa aking harapan. Aba! Natakasan ako!!
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...