Zavier's Point Of View
"Zavier anak, ayaw ni Arian na mapahamak ka." sabi ni Mr Marvic.
"Wala akong pake! sabihin niyo sa'kin kung nasaan siya!" Kanina pa ako nagtatanong sa kanya at puro nalang mapapahamak ako ang naririnig ko.
"Zavier, pakinggan mo ang sinasabi ni Arian--"
"Sabihin niyo nalang! wag niyo ng patagalin!"
"Makulit ka talaga, pagagalitan niya ako kaya hintayin--"
"Sawa na akong maghintay! Nangako ako sa kanya na hahanapin ko siya kahit saang lupalop pa ng mundo siya naroon! At walang makakapigil sa'kin!" napabuntong hininga naman siya, sasabihin nalang kung nasaan ayaw pa, mas lalo lang pinapatagal.
"Sasabihin ko sayo pero huwag mo siyang pupuntahan." tumango naman ako at muli siyang napabuntong hininga.
"Nasa Palace Of Knight siya ngayon."
"Saan 'yun?" pamilyar sa'kin ang lugar na 'yun, parang 'yun ang tinuro ni Annika, pero nasaan na kaya siya ngayon?
"Basta naroon siya." tango lamang ang ginawa ko at parang kilala ko na kung sino ang pwedeng tumulong sa'kin para puntahan ang lugar na 'to.
"Sige, hihintayin ko nalang siya." saad ko at ngumiti.
"Dito kalang sa bahay habang sina Chad at Sandra ang magbabantay sa inyo." tumango naman ang dalawa at lumabas na rin si Mr Marvic. Hinila ko ang braso ni Shookey papasok ng kwarto ko.
"Z-Zavier Bakit?" tanong niya ngunit ngumiti lamang ako na parang demonyo.
"Alam kong alam mo kung nasaan ang Palace of Knight, samahan mo ako." bulong ko rito.
"B-Bawal akong bumalik do'n! papatayin nila ako." dahilan niya na ikinainis ko naman.
"Edi ako nalang."
"Eh bawal ka ro'n."
"Ayaw mo talaga?"
"Nangako din ako kay Arian na hindi ko sasabihin sayo, tsaka para na rin sa kaligtasan mo 'yun."
"Nasaan ba si Arian? saan naka locate yung Palace of Knight?! Nasa Canada ba sila?!"
"Mayroon silang tinatawag na Palace Of Knight sa Canada at mayroon din na isa rito sa bansa, pero ang pagkakaalam ko nandito sila sa bansa."
"Sasamahan mo 'ko?" umiling-iling lamang ito.
Nag-isip naman ako ng kung ano ang pwedeng ipasunod dito. Bumaba ako saglit at kinuha ang mga Cookies, Ice cream, Cake at Chocolates sa Ref at bumalik ulit sa taas.
"Oh." sabay abot ko sa kanya ng mga ito.
"W-Wow! Para sa'kin yan?" manghang tanong niya at halata mong naglalaway ito.
"Oo naman para sayo talaga ang lahat ng yan." sagot ko habang nakangiti. Agad niya itong kinuha at kinain.
Inayos ko na muna ang mga kalat sa aking kwarto at nang maubos na niya lahat.
"Wow! Salamat Zavier ang bait mo talaga!"
"Walang ano man, pero may kapalit yan."
"Walang ano man? tapos may kapalit?" takang tanong niya.
"Sasamahan mo ako sa Palace of Knight kung hindi bibitayin kita." pagbabanta ko at kinabahan naman siya.
"P-Pero--"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita, hinila ko ang kanyang kamay at binuksan ko ang bintana, nakabantay kasi sila Sandra at Chad sa likod.
Tinulak ko si Shookey sa bintana at sumunod akong tumalon, napadaing siya ng daganan ko ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...